HINDI laging madali ang mag-portray ng gay role sa pelikula. Pero bakit nagiging suki ‘ata ang mahusay na aktor na si Raymond Bagatsing sa ganitong karakter?
Hindi tuloy maialis na may magduda kung sa tunay na buhay ba eh, isa siyang certified na bading o kloseta ba?
Sa isang malalim na sagot, pina-simple ni Raymond ang pagpapaliwanag na bawat isa sa atin ay may masculinity at femininity nang isilang tayo ng ating ina. Kaya, depende na lang kung alin sa dalawa ang mas malakas na puwersang pumapaimbabaw sa iyong pagkatao.
Kaya may lalaking effeminate. May babae namang parang lalaki.
Malalim na nga ang paglalakbay na nilakaran ni Raymond bilang isang aktor.
Sa pelikulang idinirehe ni GB Sampedro para sa RKB Productions na bida si Roxanne Barcelo kasama sina JC de Vera at Jay Manalo at Raymond nga, gay character ni La Greta ang kanyang gagampanan.
Kung ano ang kuwentong mayroon ang isinulat ni Cel Santiago ang siyang ipahahayag ng Love is Love sa mga sinehan simula sa Disyembre 4, 2019.
Naiibang lovestory nga ito. Ang istorya nina Winona at Anton!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo