MARAMI ang nanghihinayang sa binatang anak ni Lotlot de Leon, si Diego Gutierrez dahil walang dating sa kanya ang showbiz. Mas gusto kasi nito ang mag-basketball.
Sa ngayon, kasama sa koponan ng Quezon City Defenders ng National Basketball League (NBL) si Diego na mina-manage ng kanyang inang si Lotlot kasama ang asawa nitong si Fadi El Soury at mga kaibigang sina Dwight de Leon, Noel Garovillo, Anna Bathan, at Atty. Zona Tamayo ng Six Corners Creatives, Inc..
Paliwanag ni Diego, ”Sa ngayon sa basketball ang focus ko. At sobrang grateful ako kay Mommy kasi eversince na nagsimula akong maglaro, high school at college, lagi siyang nanonood ng games ko. Very supportive siya at siya pa ang nagpu-push sa akin na mag-ensayo pa ako para lalo akong gumaling.
“Lahat naman ng family ko very supportive, hindi sila ever nagkulang,” giit pa ni Diego na ang favorite player pala ay si Kobe Bryan.
Umaasa si Diego na ang NBL ang magiging daan niya para makapasok sa professional basketball league someday. ”Hopefully ito na nga po ang maging entry ko. Para sa akin big opportunity ito para ma-expose sa basketball at saka pangalawang season ko na ito sa Quezon City. Marami rin kasi akong natutuhan dito at nag-i-improve ang paglalaro ko.
At dahil isa si Lotlot sa manager ng kanilang koponan, aminado si Diego na guard/forward ang position sa basketball na may pressure sa kanya. ”Opo kahit paano may pressure, I mean I feel like I deserve the spot that I’m in naman. Kahit naman sila ang owner pinaghirapan ko rin naman ang puwesto ko, nat-try out naman din ako. And feeling ko deserve ko naman pero siyempre sa games gusto ko pa ring ipakita na deserve ko ang spot na ito.”
Sinabi naman nina Lotlot at Fadi na, ”we’ve always been inclined sa sports because before we had beach tennis, we’re the first ones to introduce beach tennis in the Philippines.
“This was offered to us by NBL and when we found out.. and we’re interested right away, mahilig po ako sa sports ako mismo dahil ang isang miyembro ng team nila eh ang anak ko si Diego. And I’m very supportive of my son, that’s why alam ko ang nararamdaman ng lahat ng bata rito na nagsusumikap, nagpapakahirap, nagpa-praktis because this is all because the fashion that they have with the sports.
“And I think kaya kami napunta rito dahil gusto naming ma-achieve ang kanilang dreams. Kaya kung anuman ang maitutulong namin, kami, ng grupo namin para sa mga batang ito para ma-achieve nila ang mga pangarap namin, hand in hand with the coaches, eh sana marating ng mga batang ito ang gusto nilang mapuntahan.”
Sinabi naman ni Fadi na dahil din sa hilig niya sa pagtulong sa mga kabataan kaya napapayag din siyang mag-alaga ng mga baketbolista. Gusto rin niyang maabot ang mga pangarap ng mga kabataang ito.
Bukod kay Diego, kasama rin sa Quezon City Defenders sina Bryan Cabrera (#1), Enzo Battad (#2), Normel Delos Reyes (#0), Nikko Lazo (#12), Joshua Roque (#27), Joshua Bringas (#9), MJ Enriquez (#28), Christian Diaz (#3), Nikko Lao (#16), Mark Puspus (#17), Bryan Nabayra (#88), Dave Torregoza (#6), JR Barde (#34), Peter Cecilio (#21), Jeff Comia (#29), Adzhar Udjan (#77), Jake Bagon (#10), Patrick Boffa (#23), at Edric Estacio (#19).
Sa kasalukuyan, may 14 teams ang NBL, na ang bagong season ay magsisimula sa November 16 sa Filoil Flying V Arena. Mapapanood ang games nito sa Solar Sports at Basketball TV.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio