Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parehong matindi umarte! Arjo at Carlo swak sa drama at action sa Bagman 2 na mapapanood na sa iWant

Dahil sa tagumpay ng Bagman ni Arjo Atayde ay may season 2 na ang nasabing digital series at this time kasama na ni Arjo si Carlo Aquino bilang hitman na si Emman.

Last November 12, nagkaroon ng special screening ang Bagman 2 sa Santolan Town Plaza na sinuportahan ng mga co-stars ni Arjo sa The General’s Daughter na sina Maricel Soriano at JC de Vera at marami pang kapwa Kapamilya stars.

Ilang episodes ang ipinalabas sa nasabing screening at mas intense at puno ng drama at action ang Bagman 2 na ang Gobernador ang dating barbero at bagman na si Benjo Malaya (Atayde).

Sa utos ni Cong. Ricardo Matias (Romnick Sarmenta) ay binaril siya rito ng hitman si Emman na aral sa kanyang lolong si Menggie Cobarrubias. Pero dahil may sa pusa ang buhay ay hindi natuluyan si  Benjo na gumulo ang buhay dahil sa ipatata­yong Magdiwang Port, na mahigpit na kinontra ng paring si Rez Cortez.

Pinatay ni Eman si Rez at si Gov. Benjo ang pinagbintangang pumatay. Mas humusay pa ang atake ni Arjo sa lahat ng kanyang mga eksena at makadurog puso naman ang buhay ni Emman na bagama’t pumapatay ay mahal ang kanyang pamilya lalo ang kanyang nanay na si Irma Adlawan na sunod-sunuran sa amang si Menggie.

Sa series na ito, bukod sa umarte ay maraming action scenes si Carlo sa Bagman 2 na hinahanting ni Arjo hanggang magtagpo sila sa pasugalan ni Angela Go Ming (Rosanna Roces) na miyembro ng Triad.

Naroon si Eman dahil siya na ang tumatayong bodyguard ng tiwaling politikong si Romnick.

Pinaghandaan ni Carlo ang unang sabak niya sa action at nagpalaki talaga siya ng katawan para bumagay na contravida kay Arjo.

Bigatin ang cast ng Bagman 2 at mapapanood pa rin dito sina Chanel Latorre (gumaganap na wife ni Arjo) Yayo Aguila (vlogger) na may ambisyong maging gobernador at Raymond Bagatsing na kabilang sa naunang Bagman Season 1. Nasa cast rin si Lito Pimente, Joel Saracho, Mon Confiado Rollie Inocencio atbp. Sa Bulacan at Rizal pa rin kinukunan ang Bagman 2 at marami silang kinuhang extra sa series para sa mga eksena sa misa, kulungan at iba pa.

Nakabibilib ang husay ng direksiyon ni Shugo Praico na sumulat rin ng kuwento ng Bagman. Likha naman ito nina Lino Cayetano, Philip King. Tiyak na mas lalong tututokan nang lahat sina Arjo at Carlo sa iWant at simula November 13 ay start na ang streaming ng kanilang Bagman 2 mula sa Dreamscape Entertainment at Rein Entertainment.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …