Friday , December 27 2024

Direk Cris, TBA Studios, overwhelm sa pagkakasali ng Write About Love sa MMFF

AMINADO si Direk Crisanto B. Aquino na hindi niya inaasahang makakasali ang kanilang pelikulang Write About Love ng TBA Studios sa 45th Metro Manila Film Festival.

First time magkaroon ng entry ni Direk Cris sa MMFF bukod pa sa alam niyang malalakas at malalaki ang kalaban niya sa festival. Kaya naman sobra-sobra ang saya niya at pasasalamat na nakasama sa Magic 8 ang kanilang pelikulang pinagbibidahan nina Miles Ocampo (MaledictoThe Debutantes), Rocco Nacino (Bar Boys), Joem Bascon (Heneral Luna) at Yeng Constantino (The Eternity Between Seconds).

Kuwento ni Direk Cris, habang isinusulat niya ang Write About Love, naiisip na niya si Miles dahil tulad ng karakter na gagampanan ng aktres sa pelikula, isang writer din si Miles bukod pa sa kilala na niya ito noon pa man.

Sabi nga ni Direk Cris, ”Write About Love is a film of many firsts. Aside from it being my first directorial assignment, it is also the first major starrer of (former Goin’ Bulilit star) Miles Ocampo.

“I am truly grateful to TBA Studios for allowing me to write, produce and direct this beautiful film.

“Miles is perfect for the role because of her authenticity. She is currently taking up Creative Writing at UP Diliman and like her character is also an NBSB (No Boyfriend Since Birth). The movie will make you feel as if the role was specifically written for her.”

Sa parte naman ng TBA, tiwala silang magiging matagumpay ang Write About Love. Sabi nga ni Mr. Ting Nebrida, TBA president at executive producer, ”TBA Studios is confident that ‘Write About Love’ is going to be a success because aside from it being the only romantic, feel-good entry at the 45th MMFF, the film was made in honor of the 100 Years of Philippines Cinema.”

Nagpapasalamat din ang TBA sa bumubuo ng MMFF. “We are thankful to the MMFF Selection Committee. This is also our third time at the MMFF after ‘Bonifacio: Ang Unang Pangulo’ (2014), ‘Sunday Beauty Queen’ (2016), at ngayon itong ‘Write About Love.’”

Kaugnay nito, isang media thanksgiving luncheon ang inilaan ng TBA Studios na ginawa sa Café Ysabel sa San Juan na dinaluhan nina Fernando “Nando” Ortigas (Chairman), Eduardo “Ed” Rocha (CEO) and Mr. Nebrida. Dumalo rin ang writer at director na si Cris, executive producer Daphne Chiu at TBA’s newly appointed global marketing chief & special projects head, Joyce A. Ramirez.

Pinasalamatan nila ang mga entertainment editor at writer na tumulong sa kanila para maging bukambibig ang kanilang pelikula. Naniniwala kasi silang malaki ang naitulong ng entertainment editors and writers para makakuha ng atensiyon at mapasama sa pagkakapili sa natitirang apat na entry sa MMFF 2019.

“Being selected in this year’s 2019 MMFF validates my more than 14 years in the film industry. I started as a Production Assistant and over the years I helmed my craft as a First Assistant Director. I am truly humbled and grateful to all those who supported my filmmaking journey,” dagdag pa ni direk Cris.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *