Nadagdagan na naman ang crown titles ni Meranie Gadiana Rahman, nang siya ang makoronahang “Mrs World Philippines 2019” nitong October 22, sa Paris, France.
Dati, pangarap lang ng Mrs. Hawaii Transcontinental 2019 at Mrs Global International 2019 ang makarating sa Paris para makipag-compete sa kapwa kandidata para sa Mrs. World Philippines and without any expectations, siya pa ang nakasungkit ng korona.
Sa pagrampa, gown na suot, at mahusay na pagsagot sa Q and A, standout na si Meranie kaya siya ang choice ng jury para manalo sa nasabing beauty pageant.
Samantala sa post ni Meranie sa kanyang Facebook account, masayang ibinalita ng Filipina beauty queen-model-philanthropist ang kanyang pagkakapanalo.
“I am very proud to announce that I won the very prestigious title of Mrs. Philippines World 2019 last night (October 22) in Paris, France. The title that I’m dreaming for a long time. I am so excited, honored
and thankful. It is a great moment in my life to have a voice to promote my advocacy. I want to thank all my family, friends and supporters who were always the wind under my wings. My special thanks to judges, pageant director Mr. Butz Alcancia, make up artist Sir Jonas Borces, pageant trainer KF Cebu, Dr. Maritess Yalung, and Aj Mira, coordinator sir Uno Rodriguez, Mrs. Philippines 2018 Charmaine Pescueso Ruby, Mrs. World 2019 Jennifer Le and all my pageant sisters.
Well applauded at pinagkaguluhan ng photographers si Meranie sa kanyang first walk as the newly crown Mrs. World Philippines.
Sa darating na December 6, si Meranie ang representative ng Filipinas advocating the postpartum awareness para sa Mrs. World 2019 na gaganapin sa Las Vegas, Nevada. At sa pagsaling ito ni Meranie sa Mrs. World 2019, tiyak na mapapansin ang kanyang national costume at evening gowns na personally designed niya.
“I love my costumes and evening gowns. Most of them are designed by me and are made in Philippines. However, the beauty of a dress is expressed by how you carry it beside the design,” ani Meranie.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma