Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily, nakabibilib ang pagiging sport

WALANG producer na gustong ipalabas ang kanyang pelikula sa buwan ng Enero kung hindi man ito pinalad makapasok sa Metro Manila Film Festival.

Unang-una, said na ang bulsa ng tao sa nagdaang holiday season. Sa mahal nga naman ng bayad sa sine ngayon, Pasko lang ang tanging panahon na paldo ang bulsa ng mga tao.

Most producer would rather choose a November playdate, ilang lingo ang agwat sa Metro Manila Film Festival.

Kaya naman November 27 ang napiling playdate ng The Heiress, ang pelikula ni Maricel Soriano na inisnab ng selection committee ng taunang festival.

May Halloween feel pa rin naman ang horror flick na ito kahit lampas na nang October 31 bago mag-Undas.

‘Yun nga lang, nasanay na ang tao na taon-taon ay walang mintis ang kompanya ni Mother Lily Monteverde na mayroong entry sa MMFF, to think na bida pa mandin si Maricel na gumaganap bilang mambabarang.

Ang nakabibilib lang sa Regal matriarch, naroon siya nang ianunsiyo ang apat pang natitirang entries para makompleto ang Magic 8. Nanatili siya kahit hindi napasama ang The Heiress, gayong ramdam ang kanyang pagkadesmaya.

A real sport she is.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …