Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Mari Chan
Jose Mari Chan

Christmas in Our Hearts ni Jose Mari, mula sa tulang Tubig ay Buhay

BAGAMAT Disyembre ang tradisyonal na buwan ng pagpatak ng Kapaskuhan, Filipinos celebrate it the earliest and the longest.

Unang araw pa lang ng so-called “ber months” ay umaalingawngaw na sa airwaves ang mga Pamaskong awitin, the most frequently played local carol being Jose Mari Chan’s Christmas in our Hearts sa buong maghapon sa iisang himpilan ng radyo pa lang!

Pero alam n’yo bang may kaasaysayan sa likod ng awiting ito na puwedeng sabayan sa pagpaling ng ulo sa kaliwa at sa kanan hanggang sa matapos?

Ori­hinal na inialok ni JMC ang kanta bilang ka-duet si Lea Salo­nga  noon pero hindi pa expired ang kontrata nito sa ibang recording label. CIOH was recorded under Universal Records.

Originally din, isang tula ‘yon na pinamagatang Tubig ay Buhay na kolaborasyon ng mga mag-aaral which they would perform para ipagdiwang ang kanilang silver jubilee.

Isa sa mga taong ‘yon ang lumapit kay Jose Mari at nakiusap na kung maaari’y lapatan niya ito ng musika. Ginawan niya ‘yon ng melody which took him half of a day, pero naisip niyang bigyan ito ng tunog-Pamasko.

At ‘yun na nga ang kinalabasan.

Since Lea couldn’t do the duet, naisip ng batikang singer-composer na kantahin at i-record ‘yon with his then-19 year-old daughter Liza.

To this day, wari’y national antem na ang CIOH tuwing Pasko, kundi man tatlong buwang mas maaga pa kaysa holidays.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …