MAIPAKITA ang kultura at kung ano ang mga Pinoy pagdating sa pagkain. Ito ang binigyan linaw ni Direk Erik Matti sa media screening ng HBO Original, ang Food Lore: Island of Dreams.
Nais din ni Direk Matti na maipakita kung paano tayo nakai-inspire sa pamamagitan ng ating mga pagkain at kung anong kasiyahan nito sa bawat Filipino.
Bukod nga sa nakae-entertain ang pelikula, umaasa rin ang direktor na magiging daan ito para ma-educate ang foreign audience ukol sa mga Filipino. At maging inspirasyon din sa mga kapwa Pinoy na mangarap pa at ‘wag makontento sa kung ano lamang ang mayroon.
Ito ang ipakikita ng pelikula niyang Island of Dreams, ang opening episode ng HBO Asia’s drama series, ang Food Lore, na kinunan sa walong bansa sa Asia.
Bale eight-episode hour-long series ito na tatalakay sa mga kaugalian, kultura at iba pa ng bawat bansa sa Asia, na mula sa Asian cuisines. Mapapanood ito exclusive sa HBO Go at HBO.
Magkakaroon ng debut ang Food Lore: Island of Dreams sa Linggo, November 3, 10:00 p.m..
Ang Island of Dreams ay ukol sa buhay ni Nieves na sa kagustuhang magkaroon ng magandang buhay para sa kanyang pamilya, iniwan ang asawa at mga anak para magtrabahong kasambahay sa Maynila. Bumalik siya sa bayan nila para sa taunang fiesta sa kanilang lugar sa Negros Occidental. Mahihinuha ni Nieves na naging malayo na sa kanya ang pamilya niya at hindi nila napahalagahan ang kanyang pagbalik. May matutuklasan din siya sa kanyang pamilya.
Bida sa Island of Dreams sina l Angeli Bayani bilang Nieves; Yul Servo bilang asawa ni Nieves; at si Ina Feleo, ang kapatid.
Ani Direk Matti, medyo nahirapan sila sa shooting ng pelikula sa Sipalay at Cartagena, Negros Occidental dahil sa panahon doon gayundin sa signal.
Pero nag-enjoy naman silang lahat lalo na si Cong. Yul na gusto pang bumalik sa lugar dahil magaganda ang mga tanawin.
At bago nga ang airing sa HBO Go at HBO sa November 3, ang Food Lore: Island of Dreams, magkakaroon muna ito ng world debut sa 2019 Tokyo International Film Festival (TIFF) sa Huwebew, October 31.
Kasama ring mapapanood sa Food Lore ang He Serves Fish, She Eats Flower ng Vietnam na mapapanood sa November 10; Maria’s Secret Recipe ng Indonesia sa November 17; A Plate of Moon ng India at Singapore sa November 24; The Caterer ng Thailand sa December 1; Tamarind ng Singapore sa December 8; Life in a Box ng Japan sa December 15; at Stray Dogs ng Malaysia sa December 22.
Ang Food Lore ay ipinrodyus ng Singapore-based company na Bert Pictures at parte ng two-year partnership sa Infocomm Media Development Authority (IMDA) sa Singapore.
Nag-umpisang mag-produce ng Original productions ang HBO Asia noong 2012 at nakapagprodyus na sila ng Asian Original productions tulad ng series, movirs, at documentaries. Katunayan, nakapag-prpdyus na sila ng 18 Asian Original productions at marami pa ang kasunod.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio