MAY dahilan kung bakit isang masayang-masayang Pokwang ang humarap sa amin sa paglulunsad ng Regasco ng kanilang kauna-unahang celebrity endorser.
Bukod kasi sa bagong endorsement at regular show sa ABS-CBN, nariyan din ang kanyang entry sa 2019 Metro Manila Film Festival, ang Mission Unstapabol: The Don Identity with Vic Sotto, Maine Mendoza, at Jake Cuenca, at ang malapit nang matupad na sariling restoran.
Kuwento ni Pokwang sa media launch ng Regasco LPG, “Sa Antipolo kami muna. As much as possible ‘yung may parking. Bibilhin ko pa lang (lupa). At nakikipag-usap na kami.”
Tatawagin ni Pokwang ang restoran ng Kusina Ni Mamang At Papang.
Sabi ni Pokwang, para sa mga OFW ang kanyang negosyo. “Kasi marami rin akong followers abroad ‘yung mga OFW siyempre alam natin na nami-miss nila ang pagkaing Pinoy. Gusto ko na ‘yung pag-uwi nila sa Pilipinas isa ‘yon sa ilu-look forward nila na pumunta sa place namin.”
Sa kabilang banda, proud si Pokwang sa pagkakasama sa pelikula ni Bossing Vic. “Noong nalaman ko nga na ka-join ako napasigaw talaga ako! After nine years, magkakasama kami ulit,” ani Pokwang na una silang nagsama ni Bossing noong 2011 sa pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak.
Thankful naman siya sa Regasco LPG na tamang-tama sa kanya dahil mahilig siyang magluto at laging laman ng kusina.
Ayon nga sa may-ari ng Regasco LPG na si Leslie Yiu, napili nila si Pokwang dahil “Kasi nakita namin ‘yung values niya, and the way she presents herself. At ‘yung devotion niya sa pagluluto her loves for cooking is a big factor kaya siya ang pinili namin to be the face of Regasco brand plus being a doting Mom to her two daughters (Mae and Malia) and loving partner na si Lee O’Brian.
“With her love for her newest endorsement, Pokwang was very cooperative and easy to work with during the series of shoots for the campaign, not to mention her being punctual on the set.
“Because of her professionalism, good working attitude and relationships with our company and for sure, a huge contribution niya to the future sales of Regasco there’s no doubt for a possible renewal of the contract sa aming kompanya,” dagdag pa ni Yiu.
Mula sa 25-One Stop LPG shops noong 2014, lumago pa ang Regasco sa kanilang retail na 210 shops nitong Oktubre 2019 na may total volume na 1,500,000 kilos per month.
Patuloy din ang expansion program ng Regasco sa pamamagitan ng pagbubukas ng refilling plants, one-stop LPG shops sa Luzon at Visayas region.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio