MUNTIK na palang hindi gawin ni Regine Velasquez sa pelikulang Yours Truly, Shirley, isa rin sa entry ng C1 Originals.
Sa kuwento ng kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez, napamura siya dahil ayaw nang gumawa ng pelikula ng Asia’s Songbird.
“Gusto ko na lamang kumanta dahil singer naman talaga ako at hindi aktres,” giit ni Regine. “Wala ako roon sa tamang wisyo ng paggawa ng pelikula, ewan ko, parang tinatamad ako. Parang gusto ko lang munang kumanta, anyway, I’m a singer naman talaga.
“But noong ikinuwento sa akin ‘yung story, noong niligawan nila ako (production team), parang I got very interested with the character, and so I accepted it.”
Pagtatapat ni Regine, “Kasi nai-stress ako. Parang ‘gusto ko ba talagang gawin ‘to?’ Sabi ko sa kapatid ko (Cacai, manager din niya), ‘Pwede bang mag-backout?’ Ayun, minura niya ako, salamat sa kapatid ko.”
Natakot si Regine kay Cacai kaya naman itinuloy na niya ang pagsu-shoot, “No, but mayroon akong ganoon na minsan, hindi ako sure kung gagawin ko ba talaga. But noong ginawa ko na, first day pa lang, na-enjoy ko na ulit ‘yung buong proseso ng paggawa ng pelikula.
“And so, the whole two weeks for me was very enjoyable, and I’m happy na nagawa ko siya, na-experience ko siya,” ani Regine.
Ang Yours Truly, Shirley ang unang indie movie ni Regine na idinirehe ni Nigel Santos. Kasama rin dito sina Denise Padilla at Hashtags Rayt Carreon.
Magsisimula ang Cinema 1 Originals sa November 7 hanggang Nov. 17 sa mga sinehan sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway. at Powerplant Mall sa Makati.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio