Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, nagalingan kay Alessandra

PURING-PURI ni JM de Guzman ang galing ng kapareha niyang si Alessandra de Rossi sa pelikulang Lucid, isa sa Cinema 1 Originals entry kaya umaasa siyang hindi ito ang una at huli nilang pagsasama.

Ani JM, sana ay makatrabaho niya uli ang aktres, “Kasi, alam kong mahusay siyang aktres and gusto ko pong laging matuto, laging mayroong bago.”

Sinabi pa nitong pareho sila ng ugali ni Alessandra. “Parehas kami. Wala kaming kahit anong demand, positive kami pareho, para lang kaming nag-e-experiment.”

Kakaiba ang tema at atake ng Lucid kaya na-enjoy kapwa nina JM at Alessandra ang pelikula. First time kasi nilang gumawa ng ganitong klaseng role sa movie.

Ang Lucid ay tungkol sa mga taong kayang kontrolin ang panaginip.

Sinabi nga ni JM na may mga tanong nakagagawa nito. “May mga nagpapraktis po talaga niyon, eh, lucid dreaming ‘yung nakokontrol nila ‘yung panaginip nila, naaalala nila lahat.”

Sambit naman ni Alex, “Ang ‘Lucid’ po ay tungkol sa isang babaeng marunong mag-lucid dreaming, so, sa kanyang daily life, hindi niya nakokontrol ‘yung mga nangyayari sa buhay niya, bored na bored siya sa life niya, ganoon. Parang empty na siya.

“Pero pagdating sa gabi, ‘pag natulog na siya, ayun, nakokontrol niya lahat at doon sa isa sa mga dream niya, mami-meet niya ‘yung karakter ni JM na hindi niya makontrol.”

Ang Lucid ay idinirehe ni Victor Villanueva na mayroong premiere night sa November 10 sa Trinoma Cinema.

Bukod sa Lucid, kasama rin bilang entries sa Cinema 1 Originals filmfest ang  Metamorphosis nina Gold Aceron, Iana Bernardez, Ivan Padilla, Ricky Davao,, at Yayo Aguila; 0 nina Jasmine Curtis, Lauren Young, at Anna Luna; Sila Sila nina Gio Gahoi at Topher Fabregas; Tayo Muna Habang Hindi Tayo nina JC Santos; Yours Truly, Shirley ni Regine Velasquez at Jane Oineza, at Tia Madre nina Cherie Gil at Jana Agoncillo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …