Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guesting ni Migz Coloma kay Madam Chika sa V81 Radio humakot ng positive feedbacks (Fast rising male artist nag-shoot na ng music video)

Mukhang mapapahiya ang dalawang detractor ng fast rising male artist na si Migz Coloma dahil sa sunod-sunod ang kanyang TV and radio guestings.

Last October 11, si Migz ang featured guest ni Madam Chika sa kanyang malaganap na internet show na “GSpot” sa V81 Radio, live na napapakinggan at napapanood sa buong mundo via Facebook.

Napanood namin ang nasabing guesting ni Migz at ang husay na niyang sumagot sa mga hirit na tanong sa kanya ni Madam Chika na very funny and jolly sa ere. Ikinuwento ng newest recording artist (Migz) ang naging buhay niya sa 8 years na paninirahan sa United Kingdom kasama ang kanyang pamilya.

Wala raw siyang British accent kasi talagang ipinagmamalaki niyang Pinoy siya. Pero pinagbigyan pa rin niya ang host ng show na mag-british accent na naitawid naman ng singer. Nagustuhan pala ni Madam Chika ang song ni Migz na “Kayo Na Naman Bang Dalawa?” na kinanta niya nang live at uso raw ang tunog at maraming makare-relate na millennials.

Marami ang nanood ng nasabing guesting ni Migz na kamakailan lang ay nagpasaya’t nag-serenade ng mga lola at lolo sa Grandparents Day sa Riverbanks Center Mall sa Marikina, kung saan naging proud sa kanya ang kanyang grandmother na si Lola Emma.

Last Saturday ay nag-shoot si Migz ng Music Video ng “Kayo Na Naman Bang Dalawa” na kinunan sa Flight Bar na idinirek ni Martin at kapwa modelo ang ka-partner dito ng baguhang singer-dancer.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …