Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Baby Go, tumanggap na naman ng awards

MULI na namang tumanggap ng parangal ang award-winning film producer na si Baby Go. Binigyan ng award recently si Ms. Baby sa Philippine Elite Awards 2019, kasama niya ritong pinarangalan din si Doc Ramon Arnold Ramos na bukod sa dedicated at makataong manggaga­mot ay kilala rin sa kanyang charitable works at medical missions na tulad ni Ms. Baby.

Nagpahayag ng kagalakan si Ms. Baby sa award niyang Most Outstanding International Film Producer of the Year. “I’m very happy because napili rin na isa sa awardee ng Elite ang PC Good Heart Foundation and BG Productions International. Plus, ang San Diego, USA Lions Club Inter­national ay napili rin nila ako as one of the awardee. Mayroon din sa The Fire Awards, kaya thankful ako kay Lord na laging ibini­bigay sa akin ang mga ga­nito,” masa­yang saad niya.

Ikinatuwa rin ni Ms. Baby ang pagkakasali sa dalawang international filmfest ng pelikula nilang Latay ni Direk Ralston Jover na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Lovi Poe.

“Of course very happy dahil laging nakasasali sa International filmfest ang BG Productions. Sa international lang ang tanging pag-asa ko. Malaking opportunity ito sa aming company, kaya pray lang ako lagi.”

Samantala, tutukan si Ms. Baby sa weekly program nila sa DZAR every Saturday, 5-7 pm, kasama sina Maridol Bismark, Anne Venancio, at Benny Andaya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …