Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
suicide jump hulog

Call center analyst lumipad sa 27/F ng Park Hotel sa QC

TUMALON o nahulog?

Ito ang patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad matapos bu­magsak at magka­lasog-lasog ang kata­wan ng 33-anyos call center analyst mula sa ika-27 palapag ng kan­yang inookupahang hotel sa Quezon City, nitong Linggo ng uma­ga.

Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktima na si Jordan Joseph Yamsuan, 33 anyos, binata, call center analyst, at residente sa Unit 27, 27th floor Eastwood Park Hotel at Residential Suites sa No. 17 Orchard Road, East­wood City, Cyber Park, Brgy. Bagumbayan, QC.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Julius Raz ng CIDU-QCPD, ang insidente ay nangyari dakong 5:00 am kahapon, 13 Oktubre, sa Eastwood Park Hotel sa nasabing barangay.

Sa pahayag sa pulisya ni Michael Resoco, security guard, nasa outpost  siya sa lobby ng hotel nang makarinig ng malakas na lagapak mula sa drop off point main entrance at nang usisain ay bumungad sa kanya ang lasog-lasog at duguang katawan ng biktima.

Ayon sa mga nag­respondeng SOCO team na pinamumunuan ni P/Major Joseph Infante sa crime scene, namatay ang biktima dahil sa multiple fractured injuries at pagkabasag ng bungo.

Tumangging paim­bestigahan ni John Michael Guanzon ang insidente dahil kom­binsido siyang  nagpa­tiwakal ang kanyang kapatid na si Jordan.

Gayonman, masu­sing nagsasagawa ng imbestigasyon ang pu­lisya kung may ‘foul play’ sa sinasabing pag­papatiwakal ng call center analyst. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …