Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BidaMan finalist Ron Macapagal, si Jericho Rosales ang gustong maging peg

PATULOY ang pagdating ng magandang kapa­laran sa BidaMan finalist ng It’s Showtime na si Ron Macapagal. Marami kasi siyang naka-line up na projects ngayon at nabibigyan din ng exposure sa ABS CBN.

Kamakailan ay pumasok ang pelikula nilang Cuckoo as finalist sa Festival Inter­nacional Cinema Figueira de Foz sa Portugal na ginanap last September 5-10. Ang pelikula ay kuwento ng mapait na kasaysayan ng lalaking si Leandro na humantong sa pagkabaliw, bunsod ng sinapit na trahedya nang barilin sa harap niya ang kanyang ina. Dahil dito ay naging masalimuot ang buhay niya na nagresulta ng malagim na katapusan.

Bida sa naturang pelikula ni Direk Romm Burlat si Ron na isang contract artist ng Regal Films at apat na beses nang nanalo ng Best Actor award sa ilang indie filmfest. Siya ay recipient din sa taong ito ng Outstanding Men and Women of the Philippines.

Aminado si Ron na sa mga artista ngayon, si Jericho Rosales ang gusto niyang sundan ang yapak. “I have always admired the acting skills of Jericho Rosales. Besides his acting career, I also love the way he lives his adventurous life.”

Ipinahayag din ni Ron ang pasasalamat sa manager niyang si Direk Romm. “I have worked with Direk Romm for a long time and I am really thankful sa kanya, because he always gives me challenging roles to further improve my skills in acting,” nakangiting saad niya.

Samantala, katatapos lang gawin ni Ron ang isang mainstream movie na bawal pang banggitin ang details sa ngayon, pero tampok dito ang dalawang mahusay na aktres at aktor. Isa pa sa dapat abangang pelikula ni Ron ang Bakit Nasa Huli Ang Simula, na first starring role ng beauty queen-turned actress na si Ms. Faye Tangonan, with William Martinez, Lance Raymundo, Lester Paul, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …