NAKAUSAP namin si Kris Bernal tungkol sa pagkaka-hack ng social media account niya.
“Okay naman. Siguro mas naging conscious ako na when it comes to securing my accounts and when it comes to putting or setting up a password, mas naging cautious na ako.”
Pero rati na naman siyang maingat sa kanyang social media accounts pero na-hack pa rin siya?
“Magagaling talaga ang hackers pero kasi siguro dahil iyon nga, madali rin, minsan may mga password na ang dali ring mahulaan, ang dali ring ma-access.
“So kailangan talaga ingatan mo ‘yung password mo, kailangan alam mo, maaalala mo. Kasi minsan ako sa sobrang dami ng accounts ko na may password, hindi mo na alam kung ano ‘yung password niyong isa, eh!
“Dapat alam mo lahat.”
Kaya siya na-hack ay nadiskubre o nahulaan ang password niya?
“Yes, it’s because parang, feeling ko ito ‘yung reason kung paano nila nakuha.
“It’s because may nag-email sa akin from Instagram, and then telling me na parang they’ll take down my account after 48-hours, kasi may copyright infringement daw ako.
“Naniwala ako, so para mai-report ‘yun I have to log in my username and my password. So I clicked the link kasi siyempre ang unang concern ko ayokong mawala ‘yung account ko.
“So ire-report mo agad kung anong nangyari. Tapos iyon na, parang nagkaroon na ng emails na retrieving my password, someone is trying to ano, hanggang sa hindi ko siya nakuha kasi of course, feeling ko naman magaling talaga sila sa ganoon.”
Ang nabawi lang ni Kris ay ang Instagram at e-mail niya.
Ang Twitter account niya ay hindi pa niya nababawi.
Paano niya nabawi ang mga ito?
“Actually sa Instagram, tinulungan ako ng GMA Network. Though I also messaged Instagram pero mas responsive and mas madali noong si GMA Network ang tumulong sa akin.
“I guess because sila ‘yung nag-verify sa amin, ng Instagram so I guess siguro madali ring makipag-usap sa kanila sa mga Instagram community.
“Mas madali siguro ‘yung communication, ‘yung verifying of ‘yung mga ganoong isyu, kung totoo.”
Mas mahirap na ang password ni Kris ngayon at biro namin kay Kris, baka sa hirap ng password niya ay siya mismo ang makalimot nito.
May ginagawa ba siyang measure para hindi niya makalimutan ang password niya?
“Well siyempre at first naman talaga ang una nating iisipin, related sa atin pero siyempre kailangan you have to make it complicated.
“And one thing that I can really share also is gamitin mo ‘yung to 2-Factor Authenticator App, kasi maraming ways para i-secure yung account mo, eh.
“Mayroong may magse-send sa ‘yo ng code para makuha mo. May isa pa na you have to download an app tapos naka-secure ang account mo.”
Hindi na rin basta naniniwala si Kris sa mga e-mail mula sa mga hindi niya kilala.
Muntik na ba niyang bayaran ang hackers (na mula sa bansang Turkey) na nagde-demand sa kanya ng $700 o P35,000?
“No, no, hindi talaga. It’s not na hindi ko kayang magbayad ha,” at natawa si Kris.
“Kaya namang magbayad pero parang ayoko lang kasing i-tolerate ‘yung mga hacker. Na alam mo ‘yun, ganoon lang kadali?
“Hindi ka naman sure, paano mo maga-guarantee na ibabalik sa iyo ‘yung account mo?
“Sa totoo lang nagtaka ako bakit ganoon lang ang hinihingi nila, parang maliit siya for the following na nakuha nila, ‘di ba? Alam naman siguro nila na artista yung account, ‘di ba?”
May 1.4 million followers si Kris sa Instagram.
“Pero ayoko kasi i-tolerate, eh.”
“Kung binayaran ko sila parang kinunsinti ko, ‘di ba?”
Rated R
ni Rommel Gonzales