Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Manila Arena, sports stadium ba o cockpit arena?

HINDI lang si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pinag-uusapan ngayon sa Maynila dahil sa ibang klaseng pagpapatupad niya ng mga ordinansa at batas.

Mayroon pang isang pinag-uusapan sa Maynila ngayon.

‘Yan ay ‘yung isang malaking labanan na nakatakdang ‘pumutok’ sa Maynila at ‘yan ay magaganap sa Manila Arena, doonsa  Sta. Ana.

Putok na putok sa sirkulo ng mga sabungero ang malaking labanan na ‘yan sa October 17 — isang malaking derby sa Manila Arena diyan sa Sta. Ana, Maynila.

Kaya desmayadong talaga ang mga taal na taga-Sta. Ana na hindi nililimot ang kanilang kasaysayan. Para sa kaalaman ng ating mga kabataan, ang Sta. Ana ay isa sa maituturing na heritage area sa Maynila.

Kaya nga, if my memory serves me right, noong 2015 nagprotesta ang mga taga-Sta. Ana mula sa hanay ng mga taong-simbahan, mga pro­pesyonal (teachers, doctors, at iba pa), mga magulang at mga estudyante dahil nabatid nila na ang itinatayong gusali sa 3000-sqm sa New Panaderos St., ay isang cockpit arena na pag-aari umano ni Charlie “Atong” Ang.

Ang nasabing area ay sakop ng Heritage area ng Sta. Ana.

Sandaling napayapa ang protesta ng mga taga-Sta. Ana noon, nang tiyakin ng kamag-anak ni Atong Ang na hindi cockpit arena ang kanilang itatayo, kundi isang pribadong sports stadium and recreation center.

Pero, ano ngayon ang mainit na pinag-uusapan sa coffee shops, sa tupadahan, at sa iba pang tambayan ng mga sabungero?

‘Yan ay ‘yung malaking derby sa October 17 diyan sa Arena Manila sa Sta. Ana, Maynila.

Huwaw, ‘yan ba ang sinasabing sports stadium?!

Manok na may tari pala ang maglalaro riyan sa sports stadium na ‘yan?!

Kaya gusto nating tanungin si Yorme Isko, hindi kaya napalusutan siya ni Atong Ang?!

Puwes dapat sigurong busisiin ni Yorme Isko kung anong klaseng permit ang naibigay ng “Office of the Mayor” sa sports stadium ni Atong Ang.

Yorme Isko, mukhang nautakan ka ng ‘kuya’ mo?!

Nauna sa iyo… kaya malamang si ‘Kuya’ ang kausap ni Atong Ang.

Arayku!

                                                                         

ANG ‘BALYENANG’
MANGONGOTONG
SA IMMIGRATION-DTS!
(ATTENTION: BI COMM.
JAIME MORENTE)

SINO itong balyena ‘este salot na empleyada ng Bureau of Immigration “Data Trail Section” na nag-aastang prima donna sa visa applicants na kumukuha ng I-Card?

Ibang klase raw ang “arrive” nitong si alyas “Jolens Waley Lenes” na kilala ngayong malakas rumaket sa nasabing immigration section sa BI main office.

Sa mga hindi pamilyar sa Data Trail Section, hindi po ito “legit” na section ng Bureau. Kaya ang mga naka-assign dito ay hao-hsiao o contractual din ngunit pinalad na makadiskubre ng malaking ‘biyaya’ sa pamamagitan ng pag-ipit o ‘di kaya ay patagalin ang kinukuhang Identification Card ng mga nag-apply para sa kanilang approved immigration visa.

Aba raketera pala si Dabiana ‘este Madam Jolens Waley Lenes!?

Pati nga raw mismong mga taga-BI Legal Division ay nauubos ang pasensiya sa empleyadang ‘ma-shuba’ dahil ‘sumisingaw’ daw ang oxygen sa katawan!

In short, sobra sa hangin!

Minsan pa raw ay napapansin na nagdadabog pa kapag pinakiusapan!

Talaga lang ha?!

May legal personality ba sa Bureau ang isang ‘yan para magmaldita?

Well, kaya pala tinubuan ng sungay ang isang ‘yan dahil ayon sa balita, ay napadikit daw sa isang certified  lawyer “si-reyna” na kilala bilang immigration expert kuno.

‘Yun raw ang nagsisilbing madrasta ‘este padrina n’ya, ayy!

No wonder hindi malayo na mahawa ng kamalditahan ng ‘si-reyna’ si Jolens Waley Lenes dahil ang kalooban nga niya ay hindi mal-lenes!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *