NGAYONG mantsado ang imahen ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamamahala ni P/Gen. Oscar Albayalde, kailangan sigurong maging maingat si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga ng papalit sa kanya.
Ang nakapagtataka rin naman kasi sa ibang opisyal ng pulisya, matagal na pala silang may hawak na impormasyon, ayaw pa nilang trabahuin.
Hindi ba nakapagtataka, nang maupo si Albayalde bilang PNP chief, sunod-sunod ang ginawa niyang operasyon laban sa ilegal na droga?!
‘Yan umano ay bilang pagtalima sa mahigpit na utos ng Pangulo.
Pero nakapagtataka, mabilis ang operasyon at malalaki ang nadadale. Hindi ganoon kadali trabahuin ang ganoon kalaking operasyon.
Hindi lang ngayon sa panahon ni Pangulong Duterte ang ginawang surveillance, ibig sabihin matagal na.
At sa laki ng mga natitimbog nina Albayalde, parang hinog na ‘mansanas’ lang kung ‘pitasin’ nila ang mga subject.
Kaya kung magtatalaga ang Pangulo ng bagong PNP chief, dapat ‘yung kilala niya talaga, walang payola, walang tara at higit sa lahat walang bagman.
‘Yun siguro ang unang dapat na maging basehan ng pagtatalaga, PNP general na walang bagman.
At tingin natin, ang unang kalipikado riyan ay si Manila Police District (MPD) director, P/Gen. Vicente Danao Jr.
Si General Danao ay may pruweba na sa Davao.
Bukod diyan, kahit siya isang promdi pagdating sa Maynila ay hindi siya napaikot ng mga lespu na paisma-ismarte na panay lang ang ipon ng qualification para sa promotion.
Si P/Gen. Danao, ang credentials ay aktuwal at tunay na aksiyon, hindi lang basta sertipikadong papel na puwedeng mapeke sa Recto.
Kaya hindi na kailangan tumingin pa sa malayo ni Pangulong Digong para sa bagong PNP Chief, nariyan lang sa United Nations Ave., si P/Gen. Danao, na kalipikadong-kalipikado bilang PNP Chief.
Saludo P/Gen. Vicente Danao, Jr.!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap