Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda at Ion, nakauumay na

AFTER a while ay nakauumay na rin pala ang mga kuwento tungkol sa rumored sweethearts na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa umpisa’y may hatid pang kilig factor sa madlang pipol ang kanilang mga kakuwanan, pero lumalaon ay nawawalan na ito ng excitement.

Sa totoo lang, wala kay Vice Ganda ang diperensiya kundi kay Ion na ang mga kilos ay ipinagkakanulo ng kanyang mga sinasabi.

Kung susukatin ang mga ikinikilos niya ay hindi na kailangan ng kompirmasyong sila na nga. Idagdag pa ang kanyang mga matatamis na salitang karaniwang namumutawi mula sa isang mangingibig.

Pero kapag diretso naman siyang tinatanong, he offers ambiguous answers. Mga maiintrigang sagot na nakalilito lang sa halip na magbigay-linaw sa kuno ang ipinakikta nila sa publiko.

Okey  lang sana kung mga tin-edyer pa sila ni Vice Ganda. Cute sanang tingnan ang kanilang pagpa-sweet sa isa’t isa like two innocent, naïve people.

Gusto na lang naming unawain ang katayuan ni Ion being a straight guy that he is. Hindi naman kasi napakadaling ipagbanduhan sa buong mundo kung gaano siya ka-proud na pumasok sa isang relasyon tulad ng sa kanila ng gay TV host-comedian.

Bagama’t may social acceptance na pagdating sa usaping ito, hindi pa rin ito katanggap-tanggap sa marami.

Kumbaga, tanggap na naman ang publiko what he and Vice Ganda have going for them. Hindi na kailangang i-flaunt pa ito.

Pero kapag naman siguro tinatanong si Ion tungkol sa real score nila ni Vice Ganda, isang simple’t maikiling pag-amin ng “Oo, kami na!” ay sapat na.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …