Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Power rectifier ng LRT2 station sa QC nasunog

NAG-PANIC ang commuters ng Light Rail Transit (LRT2) nang sumiklab ang apoy mula sa power rectifier ng tren sa pagitan ng Katipunan at Anonas stations sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga pasa­hero, nang mapansin nilang nagliliyab ang bagon at nagbukas ang pintuan, mabilis silang naglabasan sa tren at naglakad sa riles upang makababa agad.

Agad nakapag­res­pon­de ang mga tauhan ng  Bureau of Fire Pro­tection (BFP) na naapula ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.

Dahil dito, pansa­mantalang isinara ang daloy ng sasakyan sa magkabilang panig ng kalsada para bigyang daan ang mga bombero na apulahin ang apoy sa tren.

Batay sa inisyal na report ni LRT2 spokes­man  Atty. Hernando Cabrera, dakong 11:19 am kahapon, 3 Oktubre nang mangyari ang insidente sa pagitan ng Katipunan at Anonas stations sa kahabaan ng Aurora Boulevard ng nasabing lungsod.

Ayon kay Cabrera, dahil sa nagliyab na power rectifier  nawalan ng power supply ang iba pang LRT stations kaya tigil operasyon muna ngayon.

Aniya, dahil sa nang­yaring sunog ay pinag-aaralan nilang bawasan ang estasyong sineser­bisyohan ng LRT-2 habang inaayos ang mga lumundong riles at mga kable.

“Hindi natin mare-repair agad iyan kung talagang nasunog na. Ang inire-ready natin ngayon ay ‘degraded operations.’ We are looking at baka kung puwede ire-reduce natin iyong operations natin mula Recto hanggang Anonas [stations]… or most likely hanggang Cubao lang,” ani Cabrera.

Patuloy ang isinasa­gawang imbesti­gasyon ng mga awtoridad sa pang­yayari at inaalam ang dahi­lan ng pagsabog. Walang naita­lang nasu­gatan o iba pang esta­blisiyementong naapek­tohan ng sunog.

Inaasahan na maiba­balik ang biyahe mula Cubao station patungong Recto station at pabalik.

ni ALMAR DANGUILAN

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …