NINE million views na at dumarami pa ang hits na nakukuha ng trailer ng ipalalabas na pelikula ng Regal Entertainment, Inc. sa October 2, 2019, ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love.
Isa sa inaantabayanan sa pelikula ay si Myrtle Sarrosa. Ang kuwento nga niya, hindi niya akalaing magagawa niya ang requirements ni direk Jason Paul Laxamana sa karakter niya bilang promodizer na si Juna Mae.
Istorya ng barkadahang idealistic pagdating sa usaping puso pero may kanya-kanyang karga sa pag-inog nito.
Kasama sa cast sina Jane Oineza (Maan), Jerome Ponce (Denzel), Albie Casiño (Hadji) at Tony Labrusca (Kurt).
Isyu sa relasyon nila ng boyfriend na si Hadji ang iniikutan ng istorya ni Juna Mae. Comolete opposites sila nito. Na kung clingy at masyadong pa-tweetums sa mga drama niya sa love si Hadji, siya namang deadma ni Juna Mae sa mga ganoong ganap.
In real life, inamin naman ni Myrtle na exclusively dating na sila ng isang non-showbiz guy.
“Alam naman niya ang trabaho ko. Pero, hindi ko naman sinasabi sa kanya the things that I do in my work. If he wants to watch it, nasa kanya na ‘yun. Hindi pa naman ako engaged kasi nga, mas gusto ko ngayong maging focused with my work.
“May mga sexy scene kami ni Albie here. Noong una, akala ko hindi ko na ito matatanggap. Kasi, I didn’t know na ganoon ang ipagagawa ni direk sa karakter ni Juna Mae. Pero nagkatulungan naman kami ni Albie to make it something na aabangan ng mga tao, with what they saw sa patikim sa trailers.”
There is something to learn in the story of the barkadas. Matapos ang graduation, nag-camp out sila at nasaksihan ang isang meteor sa langit. Kaya, gumawa sila ng pact. Na same time the next year, magkikita uli sila on that same spot para ipagdiwang ang kanilang friendship. Until the time ng muling pagkikita-kita, sari-saring hamon sa buhay muna ang kanilang pagdaraanan.
Isa marahil sa dahilan kung bakit naaaliw ang viewers sa napapanood na trailer ng pelikula ay ang shower scene ni Jerome na isang gay ang ginagampanan. Openly gay. Na babad sa mga dating apps.
Pinasok pala ni Jerome ang Grinder at Tinder para mas mapag-aralan ang mundo ng mga pumapasok sa nasabing dating sites ng lalaki sa kapwa niya lalaki.
In character nga si Jerome nang dumalo sa presscon ng naturang pelikula. Kaya tinanong siya kung ano ang relasyon ng girlfriend niya sa papel niya as Denzel.
“Sumasama siya sa shoot pero sa tent lang siya nag-i-stay. Tinanong lang niya ako kung ano ang gagawin ko sa karakter ko. Nagulat lang siya. No, hindi naman siya nagdududa. Hahaha!”
Direk Jason dedicates the movie sa millennials na iba na rin ang mga pananaw when it comes to love, loving, being in love, falling in love.
Ibang kiliti naman ang nais ni Direk Jason na ibahagi sa kanyang audience!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo