Monday , December 23 2024
checkpoint PNP police War on Drugs Shabu

Nagpasabog sa seafood resto huli sa checkpoint (Malapit sa Malacañang)

ISANG rider na tinang­kang lusutan ang inilatag na police checkpoint ang dinakip matapos mahu­lihan ng droga at granada sa Quezon City.

Natuklasan, ang rider na nahuli sa checkpoint ay siyang nagpasabog ng granada sa isang seafood restaurant malapit sa Malacañang, nitong 14 Setyembre.

Iniharap sa media nina NCRPO Chief P/Maj. Gen. Guillermo Elea­zar at  Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo, ang suspek na si Luis Castillo Cariño, 38, construction worker, at  nakatira sa Brgy. 164 Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Fairview Police Station (PS 5) chief, P/Lt. Col. Carlito Man­tala, dakong 11:40 am kahapon, 25 Setyembre nang sitahin si Cariño sa checkpoint sa Mindanao Extension corner Rega­lado Avenue, Brgy. Greater Lagro dahil walang suot na helmet habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Imbes bumaba sa kanyang Yamaha 110 Crypton motorcycle (BO9515),  pinaharurot ni Carño ang kanyang motorsiklo.

Agad hinabol ng mga pulis ang suspek hang­gang makorner ng blocking force at nang kapkapan ay nakuhaan ng tatlong sachet ng droga sa kanyang bulsa.

Nang siyasatin ang dala niyang bag, bumu­ngad sa mga pulis ang isang hand granade.

Sa interogasyon, uma­min ang suspek na siya ang responsable sa pagpapasabog ng gra­nada sa C-Foods Resto sa 5th Street corner Con­cepcion Aguila St., Brgy. 638, San Miguel, Maynila, malapit sa Malacañang nitong 14 Setyembre 2019.

Nakakulong ngayon ang suspek sa QCPD detention cell at naha­harap sa kasong illegal possession of explosives at possession of Illegal Drugs.

Ayon kay Eleazar, hindi ito maituturing na terorismo pero patuloy pa rin niyang pinaiim­bestigahan ang suspek.

“Natutuwa tayo dahil sa sipag ng ating mga tauhan na magsa­gawa ng checkpoints ay nahuli ang suspek. Asahan po ng ating mga kababayan na mas paiigtingin natin ang ating anti-criminality ope­rations lalo na’t papalapit ang holiday season,” dagdag ng QCPD chief. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *