Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
pnp police

Listahan ng PNP officials, members na sangkot sa Ninja cops ipinasa sa Palasyo

INAMIN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang transcript ng naganap na executive session kung saan naka­ulat ang lahat ng impor­masyon at testimonya na inihayag ni dating CIDG chief at kasalukuyang Baguio City Mayor Benjamin Magalong hing­gil sa ninja cops o mga pulis at opisyal ng Philip­pine National Police (PNP) na sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Sotto, ibi­nigay ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate committee on justice sa Pangulo ang kopya ng buong tran­script matapos ihayag ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagnanais ng Pangulo na malaman ang mga nasabing panga­lan.

Ipinauubaya ni Sotto sa Pangulo kung kanyang isasapubliko ang mga pangalan o hindi at kung anong hakbangin ang kanyang gagawin.

Bukod dito, ibinun­yag ni Sotto na nagka­sundo na rin ang mayorya ng mga senador na bini­bigyan nila ng kapang­yarihan si Gordon kung kanyang isasapubliko ang pangalan o hindi.

Ngunit sinabi ni Sotto, bahagi ng kanilang tungkulin, in aid of legislation, na mangalap ng mga impormasyon at mga datos para sa pag­buo ng batas.

Binigyang-linaw ni Sotto, wala rin lalabaging batas o pananagutan si Pangulong Duterte at si Gordon sa sandaling ibunyag nila ang mga pangalan na natalakay sa isang executive session.

(NIÑO ACLAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …