Monday , December 23 2024
prison

Magkaibigan nag-reunion sa preso sa pasalubong na ‘nakatuwalyang shabu’

HINDI na mahi­hirapang magpabalik-balik sa piitan ang isang lalaki para dalawin ang naka­kulong na kaibigan, sa halip ay tuluyan na silang magkakasama, maka­raang mabuking ang ini­pit na shabu ng una sa kanyang pasa­lubong na tuwalya, iniu­lat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Quezon  City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo ang naarestong suspek na si Jay-R Arquenio, alyas Sunog, 26, ng Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Si Arquenio ay naa­resto ng mga duty jailer ng Cubao Police Station (PS 7), sa ilalim ng pamu­muno ni P/Lt. Col. Giovan­ni Hycenth Caliao dakong 7:30 am kahapon, sa loob mismo ng kani­lang tanggapan.

Nauna rito, binisita ng suspek sa piitan ang isang Marlon Miravilles na unang naaresto ng mga awtoridad dahil sa ilegal na droga.

Gayonman, nang isa­ilalim sa body search, nakuhaan si Arquenio ng isang pakete ng shabu at isang alu­mi­num foil na may bahid pa nito, at itinago sa isang tuwal­yang kulay asul.

Ang suspek ay kasa­ma na ng kaniyang dina­law na kaibigan na naka­piit sa Cubao Police Station (PS7) habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165  o The Com­pre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *