Monday , December 23 2024
Stab saksak dead

15-anyos teenager patay sa saksak ng 14-anyos estudyante

PATAY ang isang teenager makaraang saksakin ng estudyanteng 14-anyos nang magka­pikunan ang magkabilang grupong kinaaaniban sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District Director P/Col. Ronnie Montejo, ni P/Lt. Nick Fontanilla, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang biktima ay kinilalang si Harvey Clemente, 15-anyos, estudyante, at residente sa Pitimini St., Brgy. San Francisco Del Monte, QC.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang 14-anyos na suspek, residente sa Brgy. Paltok, itinuturing na child in-conflict with the Law (CICL).

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Bienvenido Ribaya III, ang insidente ay naganap dakong 10:20 pm, nitong Martes, Setyembre 17, sa Anakbayan St., near corner Mendoza St., Brgy. Paltok.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita nilang sinusundan ng suspek kasama ng ilang kaibigan ang grupo ng biktima hanggang magkaroon ang magkabilang grupo ng alitan.

Naawat ng mga bystander ang muntik nang salpukan ng magkabilang panig kaya umalis na ang grupo ng biktima ngunit hinabol ng suspek at muling nakipagtalo hanggang humantong sa pananaksak.

Agad isinugod ang biktima sa Provident Hospital ngunit binawaian ng buhay ayon kay Dr. Aldmin Peregrin, sanhi ng malalim na saksak ng patalim sa tiyan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *