Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

5 arestado sa pot session

LIMANG katao ang naaresto kabilang ang tatlong bebot matapos maaktohan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Caloocan City, kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Fontalva, 19 anyos, isang construction worker; Jerry Regis, 42 anyos, foreman; at mga bebot na kinilalang sina Michelle Camacho, 36, Maria Virginia, 31, at Daisy Escober, 34 anyos, pawang residente sa Brgy. 176 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat mula kay Caloocan Police deputy chief for admi­nis­tration P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, dakong 7:00 pm, nagpapatrolya ang mga tauhan ng PCP-3 sa Phase 1, Brgy. 176, Ba­gong Silang nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ipinaalam ang nagaga­nap na pot session sa loob ng isang bahay sa Phase 1, Package 3.

Kaagad tinungo ng mga pulis ang naturang bahay kung saan huli sa akto ang mga suspek na sumisinghot ng shabu dahilan upang sila ay arestohin.

Narekober ng mga pulis sa mga suspek ang dalawang nakabukas na plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia na tila may bahid ng droga habang nakuha kay Escober nang kapkapan, ang tatlong plastic sachet ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

Nakatakdang sampa­han ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Compre­hensive Dangerous Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …