Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CCTV arrest posas
CCTV arrest posas

Senglot na lady guard nanuba ng taxi driver nanlaban pa sa parak

ISANG babaeng security guard ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa panunuba sa taxi driver, pagwawala, at paglaban sa mga nagrespondeng pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, kinilala ang naarestong suspek na si Marcela Canonigo, 31 anyos, ng 11th Avenue, Grace Park, Caloocan.

Nabatid na dakong 1:30 am, nirespondehan ng mga tauhan ng Caloocan Police Mobile Patrol Unit ang reklamo sa pagwawala ng isang lady guard sa Monumento Circle, Brgy. 36 at hindi pagbabayad ng kanyang pasahe sa taxi.

Imbes sumuko nang tahimik, pumalag at nanlaban ang suspek sa mga pulis kaya’t napili­tan silang arestohin ang babae saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, mahaharap ang suspek sa kasong direct assault, resisting arrest at unjust vexation.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …