Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galamay ng drug lord sa Bilibid patay sa P27.2-M shabu

NAPATAY ang isang drug courier na sinasabing  ‘galamay’ ng isang drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) makaraang manlaban sa mga umaarestong operatiba ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Office (NCRPO) sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw, na nagresulta rin sa pagkakakompiska ng P27.2 milyong halaga ng ilegal na droga.

Sa ulat ni NCRPO Director, P/Maj. Gen. Guillermo Lorenzo Elea­zar, napatay si Edgardo Alfonso, nasa hustong gulang, residente sa Barangay Tramo, Pasig City, matapos makipag­palitan ng putok sa mga pulis dakong 5:15 am sa harapan ng isang gaso­linahan sa P. Tuazon Ave., corner 18th Avenue, sa Barangay San Roque, QC.

Sa imbestigasyon ng QCPD, nagkasa ng buy bust operation ang pinag­sanib na puwersa ng QCPD at NCRPO Region­al Drug Enforcement Unit (RDEU), ngunit naka­halata ang suspek na mga pulis ang katransaksiyon kaya nanlaban at pina­putukan ang undercover cop.

Tinangkang tumakas ng suspek at tumakbo patungo sa 18th St., at nang makarating sa Del Pilar St., ay patuloy na  nagpapaputok sa mga pulis kaya gumanti nang pamamaril ang mga awtoridad.

Ayon kay Eleazar, ang suspek ay kabilang sa mga target sa intensibong anti-illegal  drugs operation sa ilalim ng NCRPO Case Operational Plan, matapos matukoy na miyembro ng isang  syndicated criminal gang na nag-o-operate ng illegal drug trade sa Metro Manila.

Dagdag ni Eleazar, napag-alaman nilang ang utos sa operasyon ng benta­han ng droga, na kinasasangkutan ng  suspek ay posibleng nanggagaling sa isang drug lord na nakakulong sa NBP.

Hindi muna pinanga­lanan ni Eleazar ang grupong kinabibilangan ng suspek dahil may ikinakasa pang follow-up operation.

“We can say that, siya ‘yung courier and player. Siya ‘yung ginagamit, trusted ng grupo para mag-deliver ng huge amount of shabu. Ang 4 kilograms, in our daily operation, wala tayong nahuhuling ganyan. Kaya nai-consider natin na high value target ‘yan. Patuloy ang ating isinasagawa na case buid-up operation para sa iba pang kasa­mahan nila,” dagdag ng NCRPO chief.

Nasamsam ng mga awtoridad mula sa sus­pek ang 4 piraso ng trans­parent zip lock plastic bags na naglalaman ng tinatayang may 4 kilo ng shabu na  may street value na P27.2 milyon, 15 bundles ng P1,000 at boodle money o katum­bas ng P1.5 milyon na ginamit sa transaksiyon, isang caliber .45 pistol at assembly magazine nito at mga basyo ng bala.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …