Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpo-prodyus ni Sharon ng indie, tuloy pa ba ngayong magre-retiro na?

FORTY one years na si Sharon Cuneta sa showbiz o katumbas ng apat na dekada plus isang taon.

Pero para sa Megastar, matagal na panahon na ito para makaramdam ng pagka-burn out. Aniya, pagod na siya.

Ito ang dahilan kung bakit papalaot muna siya sa period of retirement, semi nga lang at hindi ganap na pagtalikod sa larangang nagpasikat at nagbigay ng titulo sa kanya.

Dagdag pa ni Sharon, it’s about time na ipokus niya ang kanyang atensiyon at panahon sa pribadong buhay.

Huwag mag-alala ang kanyang mga tagasubaybay, manaka-naka naman ay gagawa siya ng mga pelikulang this time ay mas may katuturan at magko-concert on the side.

Parang ngayon lang kami naka-encounter ng artistang tila suko na sa kanyang trabaho. Marami pa kasing artista riyan na bumilang na nang mahigit pa sa 41 years yet ni magpahinga ay hindi sumagi sa kanilang isip.

Although to our mind ay nangyari na rin pala ito minsan kay Kris Aquino.

Nagdeklara siya noong mamaalam na sa showbiz only to stage a comeback.

Temporary rest o pansamantalang bakasyon lang siguro ang ibig sabihin ni Sharon. For sure, aware siya sa kasabihang “out of sight, out of mind.”

Besides, bakit siya magku-quit? Ano na ang nangyari sa plano niya noon na magprodyus ng mga indie film with her not necessarily in the cast?

Better yet, bakit hindi na lang siya pumalaot sa ibang larangan tulad halimbawa ng politika? After all, ito ang mundong kinalakihan niya, misis pa siya ng isang mambabatas.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …