Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Javi Benitez pinahanga si Direk Richard Somes sa husay sa fight scenes

ISA kami sa naimbitahan para sa set visit ng “Kid Alpha One” sa Tanay, Rizal at masuwerte kami at ipinanood sa amin ni Direk Richard Somes ang unedited hardcore action scenes ng bidang aktor sa pelikula na si Javi Benitez. Habang pinanonood namin ang matitinding fight scenes ni Javi na mala-hollywood action star ang dating ay napapabuntong-hininga kami sa husay niya bilang baguhan. Maging si Direk Somes ay kinabiliban ang kaibigang aktor na may ibubuga raw talaga. At pagmamalaki pa niya, mabilis raw ang pick-up ni Javi sa instructions niya.

Gusto pa lang ibuild-up ni Direk si Javi bilang Marlon Brandon o James Dean na action star na may taglay na sex appeal.

“I show him Marlon Brandon, James Dean etc. Sabi ko sa kanya, ‘you should be a man’s man.’ Dapat you should be an alpha. Importante na nag-i-standout ka, larger than life ka,” susog ng direktor.

Natuwa naman si Direk Richard na ina-accept lahat ni Javi ang mga sinasabi niya sa actor.

“Ina-absorb niya kasi kahit sa cut ng kanyang mga costume, nag-a-agree kami. Tailored lahat ‘yan (isinusuot ni Javi), on what shoes to wear, what pants, what size of pants. Kasi as a director it’s my job to make him larger than life. Pero at the same time it’s also my job on how to make my actors look good.”

Hayun at bumili raw agad ng kilalang brand ng maong pants si Javi at ito ang ginagamit niya sa kanyang mga shoot. Bukod sa sobrang husay sa fight scenes, alam ni Direk Somes na may ibubuga si Javi pagdating sa intimate scenes.

At hindi raw siya nagkamali dahil hot ang dating ng bed scene ni Javi at leading lady na si Sue Ramirez. At kaabang-abang rin daw ang shower scene ni Javi na makikita ang magandang katawan ng action star. Parte rin ng cast sina Christoper de Leon, Tonton Gutierrez, Joross Gamboa, Jeff Tam, Carla Humpries, Marela Torre (daughter of Joel Torre).

May negosasyon pa­ra sa international release ng pelikula ni Javi at next year ay nakatak­dang ipalabas ang Kid Alpha One, sa ating bansa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …