Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Pamilya Ko” aabangan dahil sa mahuhusay na dramatic artists Pinakabagong teleserye ng ABS-CBN Primetime Bida

Trailer pa lang ng “Pamilya Ko” ang pinakabago at malaking teleserye na mapapanood simula ngayong September 9 sa ABS-CBN Primetime Bida bago mag-TV Patrol ay umagaw na agad ng atensiyon sa TV viewers.

Bukod kasi sa mahuhusay ang lahat ng cast, hitik sa drama ang Pamilya Ko at ayaw paawat ang confrontation scenes na nangyayari dahil sa sitwasyon.

Magtuturo ang serye ng pagmamahal at pagpapatawad. Ilan sa mga agaw pansin na eksena ang sugod at sabunot scene ni Maris Racal kay Irma Adlawan na kabit ng kanyang Tatay na si Fernan (Joey Marquez) pero lingid sa kaalaman ng dalaga ay may isa pang babae sa buhay ng kanyang ama at ito ay si Rosanna Roces.

Parang aso’t pusa rin sila ng sister na si Kira Balinger dito.  Samantala, nakunan na rin ayon kay Sylvia Sanchez ang confrontation scene nila ni Irma, pero this time ay ibang atake raw ang ginawa nila rito na dapat ninyong panoorin lalo’t hindi ito typical na away ng legal wife at mistress.

Matindi rin ang dating ng madalas na banga­yan ng mag-utol na Chico (JM de Guzman) at Bernardo o Beri na ginagampanan ni Kiko Estrada. Feeling ni Chico, lahat ng gawin niya ay mali sa paningin ng Inang si Luzviminda (Sanchez).

Siguradong lahat ng tutok sa Pamilya Ko ay hindi bibitiw sa kakaibang family drama. Parte rin ng Mabunga family sina Kid Yambao, Jairus Aquino, Mutya Orquia, at Raikko Mateo. Magiging parte ng buhay ni Chico si Arci Munoz at Alyssa Muhlach na love interest ng actor sa serye.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …