Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, marunong rumespeto

HALATANG misdirected ang mga hanash ng ina ni Gerald Anderson like an airstrike that misses its target of assault.

Tulad ng alam ng marami, ang pinupuntirya niya ay walang iba kundi si Bea Alonzo, dating nobya ng kanyang anak. Buti na lang, kahit may dahilan si Bea para huwag itong sumagot, tahimik at deadma lang ang aktres who manages to keep her cool tulad ng isang tunay na disente’t marespetong tao sa mga nakatatanda.

Sa isang banda, ang isang ina ay ina ano’t anuman ang mangyari most especially kung sangkot ang kanyang anak. Pero dapat din siguro manaig kay Mrs. Anderson ang sense of logic sa pagbalanse sa isyu mula sa pananaw ng ibang tao.

Totoong bugbog-sarado si Gerald sa nangyaring hiwalayan nila ni Bea, at kauna-unawa ‘yon sa anumang relasyon na hindi masyadong kagandahan ang kinauwian.

Malinaw namang walang closure ang kina Bea at Gerald.

Pero hindi kaya mas dapat naunang maglabas ng mga hanash ang mismong ina ni Bea para depensahan ang kanyang naagrabyadong anak?

Pero wala tayong narinig.

Habang binabakbakan si Gerald ay si Julia Barretto—perceived to be the third party—ang lumalabas na collateral damage. Nilinaw na ni Julia na hindi siya ang nasa likod ng Bea-Gerald breakup.

But the initial reaction of Gerald’s mom at the onset should have been in favor of Bea, the perceived aggrieved party. At ang mga hanash niya dapat ay laban kay Julia.

Kung hindi kasi dahil kay Julia ay hindi sana sumentro ang public outrage kay Gerald. Bakit na-single-out lang ni Mrs. Anderson si Bea, at tila labas sa isyu si Julia base sa ipinagpuputok ng butse niya?

Is it because Julia, more than Bea, has a visible mom (si Marjorie) na handang makipaggiyera kahit kaninuman? Idagdag pa ang umeksenang lola nitong si Mrs. Inday Barretto?

As far as Gerald’s mom is concerned, is it easier to pick up a fight with Bea dahil wala naman itong pamilyang buma-back up sa kanya?

Good thing, Bea is able to handle it well. Away niya, away lang niya kahit hindi naman siya ang nagsimula ng lahat nang ito.

Inaaway at pino-provoke na siya’t lahat ay wala pa siyang imik. At ang ‘di niya pagpatol speaks a lot about her: ang kanyang respeto pa rin sa ina ng ex-boyfriend or for the elders in general (hindi rin naman niya pinatulan si Mrs. Inday) nang hindi niya pinakakawalan ang kanyang respeto sa sarili.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …