Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Nanggantso ng lolang negosyante… Bebot kulong sa extortion

SWAK sa kulungan ang isang istambay na bebot na nanggantso at muling natangkang huthutan ang isang senior citizen na businesswoman sa Mala­bon City kahapon ng umaga.

Dakong 10:40 am nang madakip ang sus­pek na kinilalang si Cristina Clarito, 33 anyos, residente sa Emilio Jacin­to St., Brgy. Concepcion sa loob ng Immaculate Conception Church sa isinagawang entrapment operation.

Ito’y matapos tang­ga­­pin ang P2,500 marked money at original na titulo ng lupa mula kay Clau­dia Ramirez-Golosino, 62 anyos, resi­dente sa Emilio Jacinto St., ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Joenel Claro, nagpakilala si Clarito na kasapi ng TUPAD, isang grupo ng street sweepers at binola ang biktima na mag-invest ng pera para sa pagbili ng mga gamit ng kanilang grupo kapalit ng malaking kita.

Nagtiwala ang matan­da at nagbigay ng malaking halaga kay Clarito bilang investment nang walang anomang kasulatang magpa­patu­nay na may transaksiyong naganap.

Gayonman, walang naibalik na ‘kita’ si Clarito kay Golosino matapos ang kanyang mga tran­saksiyon, bagkus ay humingi pa ng karag­dagang P2,500 at original na titulo ng lupa mula sa biktima.

Dito na nagduda si Golosino. kaya humingi ng tulong sa pulisya at sa ikinasang entrapment operation ng PCP-7 at Follow-Up Unit sa pamumuno ni P/Sgt. Melchor Prado at P/Sgt. Benedicto Zalta, nadakip ang suspek na sinam­pa­han ng kasong Extortion at Estafa.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …