Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

GCTA ng BuCor dapat talagang repasohin

MUKHANG nagtayo na naman ng sariling awtonomiya ang Bureau of Corrections (BuCor) kung pagbabasehan ang mga ibinunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kabilang sa mga pinalayang preso ang limang Chinese drug lords nitong nakaraaang dalawang buwan.

Ang paglaya ng nasabing limang Chinese drug lords ay sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ani Lacson, sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum ay pinalaya nitong Hunyo 2019.

Sa karagdagang detalye, sinabi ng senador, ang apat ay mula sa Building 14, Maximum Security Compound. Ngayon, wala na umanong nakaaalam kung nasaan na ang apat na Chinese nationals mula nang palayain sa NBP.

Ang isa umanong preso na si Ho Wai Pang, ay inilipat sa pangangalaga ng Bureau of Immigration (BI) pero hindi na rin alam kung ipinatapon na sa labas ng bansa.

Wala na umanong ibang detalyeng hawak si Lacson maliban sa rason na GCTA ang dahilan ng paglaya ng nasabing Chinese nationals.

Ani Lacson, hiningi niya ang listahan ng mga lalaya noong 20 Agosto, na kinabibilangan ni convicted rapist-murderer Antonio Sanchez, pero sinabi umano sa kanyang nawawala ang listahan.

 “We are trying to look for a copy of the August 20 release order in favor of Mayor Sanchez but apparently nawawala ang kopya,” ani Lacson.

Kamakalawa, nagpahiwatig si Senate Minority Leader Franklin Drilon na may korupsiyon sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) habang kinatigan ang pagpapaliban sa proseso ng posibleng maagang paglaya ng ilang preso sa National Bilibid Prison (NBP) sa ilalim ng GCTA Law.

 “I support the DoJ’s decision. I could not help but suspect that there are shenanigans happening inside the BuCor in favor of the rich and powerful inmates, including former Calauan Mayor Antonio Sanchez,” ani Drilon. 

Magugunitang, kalihim ng katarungan si Drilon noong dinidinig ang kaso nina Sanchez at anim niyang mga bodyguard sa panggagahasa at pagpatay kina University of the Philippines Los Baños student Eileen Sarmenta at Allan Gomez, kaya ang suspensiyon sa proseso ng GCTA law ay isang “welcome development” sa napipintong pagpapalaya sa dating alkalde at mga kasamahan nito.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ng DoJ na ipagbibigay-alam sa Korte Suprema ang panga­ngailangan na isuspendi ang proseso ng “early release for good conduct” ng libo-libong bilanggo, kabilang si Sanchez. 

‘Yun mismo! ‘Yan ang ipinagtataka natin kung paanong napalaya ‘yung limang Chinese drug lords nang mukhang hindi nalalaman ng DOJ at Supreme Court gayong kasama sila sa pagpapatupad ng prosesong ‘yan.

Hindi ba’t kabilang sa rekesitos niyan ang clearances mula sa PNP, NBI at Supreme Court?!

Ibig bang sabihin, nakapagpapalaya ang BuCor ng mga preso na sila lang ang nakaaalam?! O baka naman may ‘Recto Avenue’ na rin sa Bilibid at siyang namamahala sa mga ‘dokumentong’ kailangan sa paglaya ng isa o mga preso na napaboran sa ilalim ng GCTA?!

Mayroon na nga sigurong pangangailangan na repasohin o rebisahin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng GCTA. Mukhang kinakailangan na rin isama sa proseso ng pag-aaproba ng kanilang release ang “publication” ng kanilang mga pangalan para aware ang publiko.

At higit sa lahat, dapat ay ipaalam din sa pamilya ng mga biktima ang kanilang paglaya.

Lumalabas pa ngayong blessing in disguise ang naunsiyaming paglaya ni Sanchez dahil pumutok sa publiko ang mga ‘kababalaghang’ nagaganap sa BuCor.

By the way, wala kayang kaugnayan ang pananambang kay Ruferto Traya, 53, assistant chief ng NBP Documents Section sa nagaganap na ‘yan sa Bilibid?

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *