SANA naman ay mapaabot nang mas maaga ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pinamumunuan ni Commissioner Greco Belgica ang kampanyang anti-red tape sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Mas marami kasi ang matutuwa kung sa panahong ito ay maibuyangyang na sa publiko ang grabeng korupsiyon at hindi maipaliwanag na red tape sa LTFRB kahit ipinagmamalaki ni Atty. Martin Delgra III na siya ay pinagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at siya ay mula rin sa Davao.
Baka hindi naiintindihan ni Delgra na pre-qualification lang ‘yun. Mas gusto pa rin ng Pangulo na bukod sa kababayan ka niya ay sumusunod ka rin sa mga utos at alituntunin niya.
At higit sa lahat, naayos mo ang ahensiyang ipinagkatiwala sa iyo.
Naiintindihan po ba ninyo, Atty. Delgra?!
Sana naman, tablan ka na at ayusin mo na ang LTFRB. Pero kung hindi mo kayang ayusin, dapat alam mo na rin kung ano ang susunod mong gawin.
What magre-resign kayo?!
Wee, hindi nga?!
Yeheeey!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap