NANAWAGAN ang Palasyo sa mga Filipino na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Hong Kong dahil sa nagaganap na kilos-protesta roon.
“Kung gusto mong pumunta ngayon sa Hong Kong, this is not the right time to go there kasi ‘yong flight mo biglang naka-cancel. E ‘di avoid muna going there. That’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to reach Hong Kong in the first place,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Noon pang nakalipas na buwan ay walang humpay na rally ang nagaganap sa Hong Kong sanhi nang pagtutol sa isang panukalang batas na nagpapahintulot sa extradition ng mga suspect sa China.
Kamakalawa ay kinansela ang lahat ng flight sa Hong Kong nang magkagulo nang dagsain ng libo-libong demonstrador ang paliparan.
(ROSE NOVENARIO)