Monday , May 5 2025

P200 bawas sa 200 kW konsumo ng koryente (RA 11371 nilagdaan ni Digong)

AABOT sa halos P200 ang mababawas sa buwa­nang bill ng mga con­sumer na kumukon­sumo ng 200 kilowatt hour sa paglagda ni Pa­ngulong Rodrigo Duter­te sa Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act.

Batay sa bagong batas, mababawasan ang singil sa koryente sa pa­ma­magitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share mula sa Malampaya fund upang ipambayad sa utang ng National Power Corpo­ration na ikinakarga sa buwanang electric bill ng mga consumer.

Gagamitin ang P208 bilyong Malampaya fund para sa pagbabayad sa stranded contract costs at stranded debt ng Napo­cor.

Ang stranded con­tract costs ay contracted cost of electricity ng Napocor sa independent power producer habang ang stranded debts na­man ay hindi nabayaran na financial obligations nang isapribado ang Napocor assets.

Gagamitin din ang pondo para sa pagpo­pondo sa exploration, development at exploi­tation ng iba pang energy resources.

Tinatayang aabot sa 16 milyong household ang makikinabang sa bagong batas.

Samantala, nilagdaan din ng Pangulo ang Repu­blic Act 11360 na nag-aatas na ibigay sa mga manggagawa sa hotel, restaurants at ibang related establishments ang 100 porsiyentong service charge na nako­lekta sa mga kostumer.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *