Monday , December 23 2024

Sa high school reunion… Driver patay sa ‘haunted attraction’

NAMATAY ang isang driver maka­raang pumasok at atakehin sa puso sa loob ng Asylum Manila dahil sa gimik na “haunted attraction” ng establisimiyento, kasama ang kan­yang  high school friends para mag­kasiyahan, nitong Linggo sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ang biktima na si Arlan Thaddeus Eusebio, 44, may asawa, driver at residente sa AO14 P. Castro St., Borol 1st Balagtas Bulacan.

Sa imbestigasyon ni Patrolman Julius Vina­soy, naganap ang insi­dente dakong 5:12 pm nitong Linggo, 4 Agosto, sa loob ng Asylum Haunted Attraction na matatagpuan sa E. Rodri­guez Sr., Ave., Mariana, New Manila, Quezon City.

Ayon sa report, pu­ma­sok sa horror house ang biktima kasama ang ilang kaibigan noong high school.

Habang nasa loob ng Asylum, napansin ng kaibigang si Oliver Lopez na nangangatog si Euse­bio at biglang napaupo saka nawalan ng malay.

Agad humingi ng saklolo si Lopez at isinu­god sa Saint Lukes Medi­cal Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dakong 6:07 pm, ayon sa attending physician na si Dr. Romulo Babasa.

Si Eusebio ay may sakit na diabetes noon pang 2012 at nagkaroon ng enlargement ang puso kaya mayroon na siyang iniinom na maintenance medicines simula taong 2014.

Nabatid na nagpapa­pirma ang pamunuan ng Asylum ng waiver sa lahat ng kanilang kusto­mer bago pumasok sa horror house. Laman ng waiver na bawal puma­sok ang mga may sakit sa puso, buntis, may asth­ma, prone to seizures, physical ailments, respi­ratory or any type of medical problem at iba.

Bukod dito, may na­ka­paskil pang mga babala sa ticketing booth na bawal pumasok ang mga may sakit sa puso, niyerbiyos at iba.

ni ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *