Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P1.3-M shabu kompiskado sa buy bust

MAHIGIT sa P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakompiska habang anim ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operations sa Calo­ocan City kamakalawa.

Dakong 5:00 pm ka­ma­kalawa nang isagawa ang unang operasyon sa isang bahay sa Interior 6, Brgy. 33, Maypajo na naaresto sina Kevin Gacer, 20; at Rica Mariano,31.

Gamit ang P1,000 marked money, nakipagt­ransaksiyon ang poseur-buyer sa mga suspek at nakakuha ng dalawang sachet ng shabu.

Agad dinamba ang dalawa at nakompiska ang dalawang sachet ng shabu, marked money at 98 gramo ng shabu na nakalagay sa plastic ng yelo na may tinatayang halagang P 667,000.

Dakong 6:30 pm nang isagawa ang ikalawang operasyon sa Kapak St., Brgy. 12, Caloocan City, na nadakip ang mga target ng operasyon na sina Mylene Torres, alyas Biday, 43 anyos; at Jerry Camposano, alyas Jervy, 45, matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na nagpang­gap na buyer kapalit ng P1000 buy bust money.

Nakuha kay Biday ang marked money at ang ibebentang shabu sa pulis habang nakompiska kay Jervy ang isang plastic na naglalaman ng shabu.

Sa nasabing opera­syon, nadkip din sina Jinalyn Viogela, 27 anyos na nakuhaan ng isang plastic na naglalaman ng shabu; at Marvin Vergel, 26, na nakuhaan din ng isang plastic ng shabu.

Kabuuang 92 gramo ng shabu na may tina­tayang halagang P625,600 ang nakuha sa nasabing operasyon.

Kakasuhan ng pagla­bag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga dinakip.

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …