Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Habang walang TV project… Sharon Cuneta ibinabahag ang life experiences sa sariling YouTube channel

HINDI na nga makakasama si Sharon Cuneta sa bagong season ng The Voice Kids Philippines at mukhang wala rin TV o movie project ngayon ang megastar pero sa concert scene ay magkakaroon sila ng back to back concert ni Regine Velasquez this October sa Araneta Colesium na soon ay ire-release na ang tickets.

At habang bakante, ang pagho-host ng kanyang YouTube network muna ang pinagkakaabalahan ni Shawie na sasagutin niya ang questions ng kanyang followers like ang tamang proseso sa adoption at managing money or finances.

Well, sa rami ng Sharonians ay tiyak na dudumugin ng iba’t ibang tanong si Sharon na madalas ka-bonding ngayon ang contravida sa classic movie na Bituing Walang Ning­ning na si Ms. Cherie Gil.

 

Dovie San Andres, seryoso nang i-pursue ang showbiz career

Kung hindi lang naloko ng pekeng indie director ay natu­loy na sana ang pa­ngarap ni Dovie San Andres noong 2014 na bumida sa ipo-pro­duce na pelikula kasa­ma ang kanyang mga anak na sina Elrey Binoe at Duke Alecxander na parehong artistahin.

Pero dapat na nga sigurong ibaon sa limot ni Dovie ang lahat at ipagpatuloy na ang naudlot niyang career. At sa pagkakataong ito ay talagang decided na ang controversial social media personality (San Andres) na tuparin ang kanyang goal na maging actress sa indie movie na nakatakdang idirek ng kaibigang si Vic Tiro.

Actually marami ang tutol na pasukin ni Dovie ang showbiz at kabilang na rito ang ilang miyem­bro ng kanyang pamilya. Pero dahil alam niyang may ibubuga siya sa pag-arte ay hindi na raw siya papipigil.

In the future puwede rin maging director si Dovie at ang husay rin niyang videographer.

 

CJ Keith itinanghal na Little Miss Philippines 2019

Sa month-long celebration ng 40 years sa television ng Eat Bulaga ay ibinabalik ng programa ang kanilang Throw­­back seg­ments tulad ng Little Miss Philippines na limited edition. At noong Sabado ay judge­ment day para sa napiling Top 5 at ang itinanghal na Little Miss Philip­pines 2019 ay si CJ Keith.

Waging LMP First Runner Up si Althea at si Ysa­bella naman ang siyang naging Second Runner Up. Ang dalawang hindi pinalad na mag­karoon ng titulo ay sina Kzhoebe at Chelsea.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …