Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NASAKOTE ng mga operatiba ng QCPD PS10 ang magkaibigan na sina Mark Garcia at John Austria matapos ibenta sa pulis na poseur buyer ang 11.2 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang may street value na P180,000 sa Annex ng isang mall sa EDSA, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

2 online tulak timbog sa P180K dahon ng marijuana

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon  City Police District (QCPD) ang dalawang online tulak makaraang makompiskahan ng P180,000 halaga ng pinatuyong marijuana sa isinagawang buy bust operation nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station (PS10), ang mga dinakip ay kinilalang sina Mark Anthony Garcia, alias Makoy, 21, binata, at resi­dente sa Ezekiel St., Brgy. Masagana, Balagtas, Bulacan, at Jhon Roper Austria, alias Noy, 20, ng  109 Rosal St., Brgy. Masagana, Balagtas, Bulacan.

Sa imbestigasyon, dakong 3:55 pm nitong Sabado nang isagawa ang buy bust operation ng Kamuning Police Station (PS10) na pinangunahan nina P/Cpls. Jun Ariola at Edilyn Gundran laban sa mga suspek sa harap ng SM Annex sa Brgy. Sto Kristo, Quezon City.

Nauna rito, sinubay­bayan ng pulisya ang mga suspek nang maka­tanggap ng impormasyon na nagbebenta ang dala­wa ng droga sa social media at nang mag-positibo ay saka ikinasa ang operasyon.

Nakompiska sa dala­wa ang isa’t kalahating kilo ng bloke-blokeng marijuana na nagkaka­halaga ng P180,000, P22,000 cash, at P19,000 boodle money na ginamit sa buy bust. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …