Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jane De Leon, ang bagong Darna

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA TIWALA!  #Narda #DARNA #SOON.” Ito ang simpleng caption na may picture niya ang naka-post sa Instagram ni Jane De Leon kahapon, ang bagong Darna.

Matapos ang ilang buwang paghahanap at panghuhula kung sino nga ba ang papalit at gaganap naDarna matapos mag-back-out ni Liza Soberano dahil sa aksidente, si Jane ang napili ng Star Cinema para gumanap na superhero.

Sino nga ba si Jane? Ayon sa article ng abscbn.news.com si Jane ay si Jane Florence Benitez De Leon sa tunay na buhay, 20, at isang Star Magic artist na nakalabas na sa maraming programa ngABS-CBN tulad ng Maaalaala Mo Kaya, Wansapanataym, Ipaglaban Mo, at La Luna Sangre.

Siya rin iyong gumanap na nakababatang kapatid ni Jericho Rosales, si Maggie, sa Halik.

Naging parte rin si Jane ng mga pelikulang The Debutantes (2017) at  Walwal (2018).

Dati siyang miyembro ng  all-female group na Girltrends ng Its Showtime bago siya nag-solo.

Kahapon ng tanghali, inanunsiyo ng ABS-CBN na nahanap na nila ang gaganap na Darna.

Ayon kay  ABS-CBN Films’ managing director Olivia Lamasan”Ipinresinta na si Jane sa amin a couple of years ago, and among all the 13 noon na Mr. M (Johnny Manahan) presented from Star Magic, natatandaan ng isang talent handler na ‘Inang. napansin mo na siya noon, itong batang ito pwedeng sumali ng beauty pageants. And then I saw her again in ‘Halik.’ Sabi ko, ‘itong batang to, mayroon.’ There’s something about her.”

Hindi lang pala si Inang Olive ang nakapansin kay Jane, maging ang director ng Darna na si Jerrold Tarog, si Jane rin ang napusuan.

Ani Tarog, an instinctive actress si Jane.

Kaya masasabing pareho ng napili sina Inang Olive at Direk Jerrold.

“A unanimous decision,” sambit ni Inang Olive, ayon sa interbyu ng website ng Kapamilya Network.

“Natuwa nga ako na isa siya sa mga nag-audition. Sabi ko ay there’s something about her. Pati si Direk Lauren (Dyogi) said there’s something about her. Bilang filmmakers, may nakikita kami.

“Malakas ang instinct ng bata.

“’Yung Darna story natin ngayon is a genesis story, a coming of age. Ang requirement talaga is somebody na young and with an air of innocence but at the same time a strength of character.”

Sinasabing mahigit 300 celebrities ang nag-audition, ito’y mula sa Star Magic at Starhunt para sa iconic role.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …