Tuesday , April 30 2024

Misquoted lang… Manang Cristy Fermin at bashers ni Luis Manzano parehong epal

NAPAKATALINGHARAP talaga ni Manang Cristy Fermin na close pa naman kay Congw. Vilma Santos pero kung tirahin ang anak ni Ate Vi na si Luis Manzano sa kanyang column ay wagas.

Walang ipinagkaiba si Manang Cristy sa mga epal at sawsawerang bashers ni Luis na basta lang makapagbitiw ng salita pero ayaw pakinggan ang paliwanag ng Kapamilya TV host-actor-businessman.

Sang-ayon kami kay Luis nang sabihin niyang  napabilis lang ‘yung pagbitaw niya ng salita nang hingan siya ng reaction tungkol sa pagpapakasal ng ex-girlfriend na si Angel Locsin sa negosiyanteng movie producer na si Neil Arci.

Yes misquoted ang host ng Minute To Win It, sa binitiwan niyang salita na “Hwag niya na akong idamay sa kuwento niya,” na ang ibig niyang sabihin ay huwag na ninyo akong idamay sa kuwento niya o buhay pag-ibig niya. Porke ba magaling na host ay dapat ba kasi perfect talaga at ‘di na puwedeng magkamali? Bakit hindi ninyo bigyan ng benefit of the doubt si Luis na pati happiness nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola ay inyong kinukuwestiyon?

Tatagal ba sila nang ganito kung hindi sila masaya sa kanilang relasyon? Ang hirap kasi sa ibang netizens, comment nang comment lang na para bang nakakasama nila nang 24/7 ang mga artista na tulad nina Luis at Jessy.

Saka bakit naman magiging bitter ang nasabing TV host ‘e 2016 pa sila split ni Angel. Siguro kayo ang dapat mag-move-on!

Talent ni Edwin Rosas Visda na si Migz Coloma  may future sa showbiz

Bukod sa pagiging manager ng newcomer singer-model na si Migz Coloma, si Edwin Rosas Visda ay isa rin fashion stylist at FAMAS awardee, napaka-supportive rin ng businesswoman Mommy niyang si July Coloma sa kanyang showbiz career kaya’t tuloy-tuloy ang pag-push kay Migz at nakikita namin may magandang future siya sa showbiz.

Baguhan pa lang ay may dating na si Migz na hindi lang mahusay kumanta at sumayaw kundi may talent rin sa acting. Kinakarir na rin niya ang pagmo-modelo at may ilang event na siyang nasalihan. Very low profile ang nasabing new­comer kahit may sinasabi ang kanyang pamilya.

Inamin niya sa pocket presscon nila ni Mara Aragon, kapwa talent niya sa kuwadra ni Mama Edwin, na noong bata siya ay madiskarte na at kung ano-ano raw ang kanyang inilalakong paninda sa kalye at school para lang kumita ng pera. Kaya nang tumira sila sa London ng kanyang family ay matatag siya at hindi pinanghinaan ng loob sa mga bully.

Nag-umpisa na palang mag-recording sina Migz at Mara ng kanilang CD Album.

Ratings ng Eat Bulaga sa NUTAM pataasnang pataas

Nangangabog ang Eat Bulaga sa katapat na show sa NUTAM Mega Manila Ratings at hindi na talaga mapigilan ang dabarkads sa pagtutok sa mga very entertaining na segment ng 40 years na sa telebisyon na Bulaga tulad ng Boom, Artistahin, Videoke Dabarclash.

Hit na hit rin sa lahat ng mano­nood ang Bulaga True Stories, Ang Kwentoserye ng Bawat Juan! na marami pala sa mga sikat at tini­tingalang celebrities ay galing sa Eat Bulaga.

At ‘yung Limited Edition ng Little Miss Philippines ay lalo pang pinaganda at in fairness mga talented talaga ang young girls na sumasali rito.

Sa darating na July 30, less than 2 weeks na lang ay certified 40 years na ang Bulaga na hanggang ngayon ay favorite noontime show pa rin ng maraming Pinoy.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *