Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead prison

4 presong pumatay sa kapwa inmate inasunto sa QC court

SINAMPAHAN ng ka-song  murder sa Que­zon City Prosecutors’ Office ang apat na inmates ng Quezon City Police Dis-trict (QCPD) dahil sa pagkamatay ng kasama-hang preso na unang napaulat na nilag­nat, matapos umanong bug-bugin sa loob ng piitan nitong nakalipas na Mi-yerkoles, 10 Hulyo 2019.

Ayon kay QCPD Talipapa Police Station (PS 3) commander P/Lt. Col. Alex Alberto, ang mga kinasuhan ay sina Jhonry Dimson, 25, bina-ta, residente sa Sitio Su-milang, Brgy. San Jose Antipolo Rizal;  Marlon Sarmiento, 31, binata, ng Sitio Barimbao, Brgy. Pasong Tamo, QC; at Jonathan Torno, 36, bina-ta, residente sa Sitio Bat-hala, Brgy. Bahay Toro, QC;  pawang naka­piit sa Talipapa Police Station 3.

Samantala, ang isa pang suspek na si Avelino Labenia Jr., 21, binata, residente sa Denmark St., Brgy. Tandang Sora, QC., ay nakakulong sa QC Jail matapos ilipat dahil sa court commitment order.

Kinilala ang biktima na si Romeo Borja, 44, nakakulong din sa QC Talipapa Police Station 3 at residente sa Pipit St., Brgy. Talipapa, QC.

Sa report ng Quezon City Police District – Cri-minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU),  naganap ang in-sidente sa loob ng deten-tion cell ng Talipapa po-lice station, 1:45 am, noong 10 Hulyo 2019.

Nag-ugat ang insi­dente noong palabas si Borja sa banyo ng deten­tion cell nang hindi umano sinasadyang mahawakan ang duyan na tinutu­lugan ni Sarmiento. Iki-nagalit ni Sarmien­to ang pagkasagi sa kan­yang duyan kaya pinag­susun-tok at sinipa niya ang biktima sa katawan at ulo. Habang sina Dimson, Torno at Labienia Jr., imbes awatin ang ginaga­wang panggugulpi ni Sar­miento sa biktima ay tumulong pa umano para bugbugin ang walang kalaban-labang preso.

Matapos ang pang­gugulpi sa biktima ay saka nila sinabi  sa mga naka-duty na sina P/Cpl. Dennis Tokpil at P/Cpl. Jessie Ruales na nilalag­nat umano ang kanilang kasamang preso kaya isinugod sa Quezon City General Hospital (QCGH) ngunit idineklarang dead on arrival. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …