Saturday , April 26 2025
npa arrest

MILF ‘nabuking’ sa baril

ISANG lalaki na hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang inaresto sa isinagawang anti-criminality campaign ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang naarestong suspek na si Gamal Guitum, 41 anyos, may-asawa, residente sa Phase 12, River­side, Brgy. 188, Tala.

Ayon kay Flores, dakong 1:00 pm nang magsagawa ng anti-criminality campaign ang pinagsamang tauhan ng SWAT at SIB North sa pangunguna ni P/Lt. Col. Crisanto Lleva kontra sa lahat ng uri ng ilegal na aktibidad sa Phase 12, Brgy. 188, Tala matapos ang natanggap na ulat hinggil sa madalas na pagpu­pulong ng armadong kalalakihan.

Gayonman, nang kompron­tahin ng mga pulis ang isang grupo ng kalalakihan ay nagtak­buhan sa magkakahiwalay na direksiyon na naging dahilan upang magkaroon ng habulan hanggang isang lalaki ang napansin nagpapalit ng damit at may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

Nang beripikahin, walang naipakitang mga kaukulang dokumento sa kanyang baril ang suspek na naging dahilan upang arestohin at narekober sa kanya ang isang cal. 45 pistol kargado ng magazine may kasamang pitong bala. Nakuha sa loob ng bulsa ang pito pang bala, kasama ang ilang identification cards kabilang ang MILF ID kaya’t dinala ang suspek sa SIU-NEO para sa imbes­tigasyon at proper disposition. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *