Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jon, kasama sa serye ni Dingdong

PAGKATAPOS pumirma ni Jon Lucas ng isang taong kontrata sa GMA 7 noong isang araw, Martes, nag-post siya sa kanyang IG ng, ”Grateful and Blessed! SALAMAT PO AMA!!! Hi Friends I’m now a KAPUSO! GMA, From the bottom of my Heart þTHANK YOU SO SO SO MUCH! Promise, hindi ko po kayo bibiguin sa binigay niyo sa aking pagkakataon. 

“Thank you also to my New Management, Becky Aguila Artist Management and GMA ARTIST CENTER! @becky_aguila @katrina_aguila @jkenriquez Tita Gigi, Sir Daryl, Ate Dianne! Salamat sa Tiwala at Pagpapalakas ng loob! Kayo ang kinasangkapan ng Diyos para ituloy ko ang pagtupad sa pangarap ko. Salamat Mama @_regicruz_ Sa aking kasuotan! Let’s now focus on the outcome, not the obstacle. #KAPUSONASIJON

Chinat naman kami ng bagong manager ni Jon na si Becky Aguila na masaya siya para sa bagong alaga dahil nabigyan kaagad ng project sa Kapuso Network, ang Descendants of the Sun pero hindi pa lang alam kung ano ang role dahil wala pang story con.

Ang Koreanovelang Descendants of the Sun ay gagawan ng Pinoy version ng GMA 7 at ang nababalitang bida ay si Dingdong Dantes at hindi pa inaanunsiyo kung sino ang leading man niya.

Sabi ni Tita Becky sa amin, ”matutuwa ka kasi maganda raw ang role ni Jon, hindi ko pa alam kung ano.”

Sa ginanap na contract signing ni Jon sa GMA Artist Center ay kasama niya ang handler na si Katrina Aguila, over all head ng Artist Center na si Ms Gigi Santiago-Lara at business unit head na si Daryl Zamora (under niya ang aktor).

Sabi pa ni Tita Becky, ”magte-training siya (Jon) sa military, Reg.”

Love story ng isang doktora at sundalo ang kuwento ng Descendants of the Sun kaya binasa namin ang synopsis nito para alamin kung anong karakter ang posibleng mapunta kay Jon.

Si Jon kaya si Wolf, ang master sergeant na kaibigan ng bidang si Big Boss? Abangan na lang kung ano dahil malapit na rin naman itong i-anunsiyo.

Goodluck Jon!

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …