Saturday , November 16 2024

QCPD PS 7, nalusutan ng tandem… Pulis-Maynila itinumba sa Kyusi

HINDI pa man nalulutas ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7 ang pagpaslang ng riding-in-tandem sa isang pulis-Crame nitong 21 Hunyo 2019, muling nalusutan ang estasyon nang isa pang pulis ang itinumba, kahapon ng hapon sa Brgy. Valencia.

Sa ulat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) , patay noon din sa pinangyarihan ng nsidente ang pulis na nakilalang si P/MSgt. Edgar Morada, nakata­laga sa Manila Police District, Ermita Station (PS5).

Patay agad si Morada dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagka­kaki­lanlan ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo (NMAX) na tumakas nang masi­gurong napatay nila ang biktima.

Sa imbestigasyon, dakong 12:55 pm nang mangyari ang insidente sa harap ng isang gasoli­nahan sa kanto ng Grana­da St., at Valencia St., Brgy. Valencia, QC.

Sakay ng kanyang motorsiklo si Morada nang tabihan siya ng dalawang suspek sakay din ng motorsiklo sa kanto ng Granada at Valencia streets.

Pinagbabaril ng naka­angakas na suspek ang pulis at nang matiyak na patay na ang biktima, tuma­kas ang tandem, sakay pa rin ng motor­siklo.

Matatandaan, nalu­su­tan din ng tandem ang Cubao PS 7 na pinamu­mu­nuan ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth H. Caliao, dalawang linggo na ang nakalilipas maka­raang itumba si P/SSgt. Fernando Diamson, naka­talaga sa Intelligence Group sa Camp Crame, sa Boni Serrano Avenue, Brgy. Bagong Lipunan, sakop ng Cubao PS 7.

Nangyari ang pag­pas­lang kay Diamson, isang araw makalipas ipag-utos ni QCPD Director, P/Brig. Gen. Joselito Esquivel, sa hepe ng 12 estasyon ng pulisya ng lungsod na paigtingin ang kanilang police visibility sa kani-kanilang AOR matapos ipamahagi ang 72 police scooters.

Ang police scooters ay gagamitin sa pagpapa­trolya sa bawat sulok ng lungsod para matiyak ang seguridad ng mama­mayan ng lungsod ma­ging ang mga nagagawi rito.

Hanggang ngayon, hindi pa nalulutas ang pagpaslang kay Diamson maging ang pagpaslang kay Adam Moraleta, account executive ng Tribune  at miyembro ng National Press Club, na itinumba ng tandem sa Brgy. Holy Spirit noong 6 Hunyo 2019. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *