KAILAN lang ay nagkasama pa sina Nora Aunor at ang kanyang new director na si Arlyn dela Cruz sa Subic International Film Festival.
At bonding na rin ang nangyari sa dalawa na malapit na sanang mag-start ng taping para sa pagbibidahang indie movie ni Ate Guy na “Ninang Corazon” na ididirek nga ni Arlyn.
Pero noong Biyernes ay inatake sa puso ang director-producer (Dela Cruz). At sa kanyang Facebook account ay narito ang detalyadong pahayag ng line producer ng Ninang Corazon na si katotong Fernan de Guzman.
“We are saddened to inform you that director Arlyn Dela Cruz Bernal suffered a stroke last Friday. She’s now conscious but still under observation and is due for rehabilitation. The stroke happened hours after the ocular inspection for the movie Ninang Corazon in San Juan and Lobo, Batangas. Ms. Nora Aunor has been informed about Ms. Arlyn’s condition. We still plan to continue shooting Ninang Corazon with another director but we’re still negotiating for the availability of the director to substitute direk Arlyn. In the spirit of transparency, we are issuing this official statement.”
Marian Rivera, pinagkaguluhan sa renewal ng contract at mini fashion show sa Kultura
Yes after giving birth sa bunso nila ni Dingdong Dantes na si Jose Sixto Gracia Dantes o Ziggy na going to 3 months old this July, last Tuesday ay kasama ng ilang male and female models na rumampa si Marian bilang brand ambassador ng Kultura sa Fashion Hall ng SM Megamall.
Paglabas ni Maria, ang lakas ng palakpakan at tilian at pinagkaguluhan talaga siya sa ginawang mini fashion show at puno ng tao ang ground floor hanggang 5th floor.
Bukod sa launch ng t-shirt collection ng magandang aktres ay bahagi rin ng pagrampa niya ang renewal ng kanyang contract sa Kultura, ibig sabihin ay very effective siya kaya na-renew.
At kasama sa panibagong contract signing ang manager ni Marian na si Sir Rams David at Top Executives ng Kultura.
Ayon kay Sir Rams, dapat noon pa ito kaso buntis nga ang kanyang alaga at nagpapasalamat sila ni Marian at ever since ay naging very supportive sa kanila ang Kultura.
“Salamat sa Kultura for trusting me again,” sey ni YanYan after ng kanyang contract signing.
“Dapat lamang na i-open natin ang kaisipan ng mga tao sa gawang Pinoy, mga produktong Pinoy at proud sa mga gawang Pinoy.
“Katuwang po ako ng Kultura sa paggawa ng mga stylish na T-shirt at makikita ninyo rito ang mga bagay na gusto ko, like iyong design na jeepney, doon makikita ninyo na may flower, kasi mahilig ako sa flowers, mayroon din design ng local culture natin.”
In fairness, dinarayo ng mga turistang foreigner ang nasabing store na pag-aari ng SM.
Samantala inilunsad ng SM Southmall Event Center kahapon at 3:00 pm ang Marian Rivera t-shirt collection na gawa ng Kultura. Wala pa lang definite na sagot si Marian kung kailan siya babalik sa Sunday Pinasaya at hino-host na weekend show na Tadhana na parehong napapanood sa GMA7.
Artistahin Segment sa Eat Bulaga level up na
Dahil sa magandang feedback ay mas pinahaba na ang aktingan sa “Artistahin” segment sa Eat Bulaga.
Yes parang teleserye na sa Kapuso network ang dating nito na ang huhusay ng mga contestant na nagsisiganap kasama sina Wally, DJ Malaya at First Grand winner sa BakClash na si Echo.
With matching location na talaga na nagsisilbing set para sa Artistahin. At mga dabarkads may pakulo na rin ang nasabing segment i-like ninyo ang bet ninyong Artistahin Girls and Boys.
Ang top 10 na may pinakamaraming likes ang pasok sa next level ng Aktingan! At para maka-like ay bisitahin lang ang official Facebook Fanpage ng Eat Bulaga.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma