Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa ilalim ng state of national emergency… Air Force puwedeng mag-takeover sa NAIA

NAGBABALA si Pangu­long Rodrigo Duterte na ipauubaya sa Philippine Air Force ang seguridad sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) alinsunod sa state of national emergency na idineklara niya noon pang 2016.

“At nag-warning lang ako na if that NAIA is not — the security is not improved there — I will order the Air Force to take over. Kasi you must remember I declared a national emergency when I started as President. And I would invoke it,” ayon sa Pangulo sa kan­yang talumpati kamaka­lawa ng gabi sa aniber­saryo ng Presidential Security Group (PSG).

Iginiit ng Pangulo na posibleng magdulot ng disgrasya ang maluwag na seguridad sa NAIA na maaari aniyang magre­sulta sa pagkatalo ng buong bansa.

Sinabi ng pangulo na marami pa siyang mga radikal na pagbabagong ipatutupad dahil kina­kailangan ng sitwasyon.

Gayonman, hindi aniya kasali rito ang pagsuong sa giyera.

Matatandaan, kama­kailan ay personal na binisita ng pangulo ang NAIA Terminal 2 at hindi siya nasiyahan sa kani­yang nakita at nadatnang sitwasyon sa paliparan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …