Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

How true? Joshua Garcia nagselos kay Gerald kaya nakipag-break kay Julia Barretto

LAMAN ng mga tabloid ngayon at social media ang umano’y break-up nina Joshua Garcia at Julia Barretto and as we heard ay malaking factor ng split-up ng young couple ay nagselos si Joshua sa kissing scene ni Julia kay Gerald Anderson sa hindi kumitang pelikula na “Between Maybes.”

Yes noon pa ma’y kilalang seloso na si Joshua at lagi niyang sinisita si Julia tuwing nakikipag­gimikan sa kanyang cirlce of friends. Si Joshua raw ang nakipag-break kay Julia pero as of press time ay may gumagawa raw ng move para sa maaaring balikan ng dalawa.

Si Julia kaya ang sumusuyo kay Joshua, dahil love na love niya ang young actor?

Toronto, Canada based Pinay Vee Suarez, may alagang artistahin

Avid listener namin ng bff kong si Pete Ampoloquio and Abe Paulite sa Star Na Star sa DWIZ si Vee Suarez na mata­gal nang naka-base sa Toronto Canada.

Sa Facebook account ni Ms. Vee, ay nakaa­gaw sa aming atensiyon ang posted photos kasama ang isang batang maganda na mala-teen Hollywood star, ang dating.

Nang maka-chat namin si Vee ay ikinuwento niyang Mika ang pangalan ng sinasabi naming beautiful girl, na alaga raw niya since 3-months old at ngayon ay 9 years and 6 months old na. Yes artistahin si Mika, aba’y kung nasa Filipinas lang marami siyang kakaboging child stars.

Samantala, bukod sa masugid naming tagapakinig si Ms. Vee, napaka-sweet at sup­por­tive pa siya sa amin na tuwing may special occasion ay naaalala kami at nagpapadala ng gift.

Biniro nga namin na sana pasukin na rin niya ang pagma-manage ng artista at sigurado sisikat ang mga alaga niya dahil sobra siyang ma-PR.

Dabarkads Charles, first winner sa bagong game show ng EB na Rush 4 Win Philippines

Ang galing talaga ng Eat Bulaga at sila ang unang nakakuha ng rights dito sa Filipinas ng pinaka­sikat at number one fun game show sa bansang Japan na Rush 4 Win Philippines Slippery Stairs.

Bale six contestants ang maglalaro dito sa Rush 4 Wins at inumpisahan sa Eat Bulaga last Friday at ang first winner na tumanggap ng P75K ay si Dabarkads Charles.

Sobrang nakaaaliw ang nasabing game contest, na palakasan ng tuhod at braso ang labanan dahil slippery (madulas) nga ang stairs, kahit nasa itaas na ang mga kalahok, konting pagkakamali lang ay babagsak muli hanggang sa ibaba.

May chance namang mag-try na muling umakyat at baka sa next round ay suwertehin ang isa sa con­testant na manalo.

Ang former boyfriend ni Miss Universe Catriona Gray na si Clint Bondad ang host ng nasabing segment kasama sina Jose Manalo at Ryan Agoncillo at may participation rin ang EB hosts sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto na nasa APT Studio habang ang Rush 4 Win Philippines ay ginagawa sa iba’t ibang Barangay.

Noong Sabado, ang mga finalist ng BakClash ang naglaro rito kasama ang grand winner at segment host ng Eat Bulaga na si Echo.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …